Chapter 42

154 6 0
                                    

COLEEN

Madilim ang buong kuwarto dahil tanging liwanag lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw na nagmumula sa bintana. “I feel so lonely,” I whispered to myself as I stared at the ceiling. “Empty and crushed.”

Hinayaan kong dumaloy ang luha sa mga mata ko. “Why she had to look at me like that?” Another tear left my eye. “Na para bang hindi niya ako kilala?”

Iyong tingin na binigay niya sa akin kahapon ang pinakamasakit sa lahat ng tingin na itinapon niya sa akin. It's different, it was like she regret every little thing that includes me. Sobra akong nag-aalala at ilang beses ko siyang tinawagan para bumalik, pero no'ng dumating siya ay nilagpasan niya lang ako na para bang wala siyang nakita. I even called her name.

I let my eyes waters while the moon is the only witness. Pinikit ko ang mga mata. I imagine her face and I extended my arm to reach her. “Gwen.” I flashed a small smile. “Tell me if I should get close to you or should I choose to stay away from you. Or...” Napasinghot ako. “Should I ask you for closure?”

Maya-maya'y natawa ako nang pagak dahil sa ginagawa kong kabaliwan. I sighed. “Mas magandang itulog ko nalang 'to.” Sabay talukbong ko ng kumot sa buo kong katawan.

I was about to close my eyes when I hear my phone rings.

Sinong tatawag nang ganitong oras? Alas-onse na.

I don't have a choice but to answer it. Umupo ako at inabot ang cellphone sa bedside table. It's George.

“Hello,” sagot ko sa tawag. “Ba't ka napataw---”

“Sorry to interrupt you, Ma'am. Uhm this is...”

“Sino 'to?” Iba kasi ang boses. Boses babae.

“My name is Fiona. I'm incharge in helpdesk here in CPG Hospital, nakalagay po kasi sa contacts ni Sir 'yong name n'yo kaya kayo po ang tinawagan ko. Sorry to tell you, Ma'am, pero bugbog sarado po kasi ang asawa ninyo, nakita lang namin siya sa entrance ng ospital. He's still unconscious but we're already taking care of him.”

“What?!” hindi makapaniwala kong bulalas. Bigla akong napatayo nang wala sa oras. “Can you send me the address of the hospital? Papunta na po ako.”

Hindi na ako nagpalit ng damit at lumabas na ng kuwarto. I go straight to the elevator and compose a message to his parents, even to his sister. Hindi ko na hinintay pa ang reply nila nang ma-i-send ko ang mensahe, agad akong naghanap ng taxi nang makababa.

20 minutes ang itinagal ng byahe. Medyo may kalayuan pala ang ospital kung nasaan siya.

“Ano pong kailangan nila?” bungad ng nakaputing babae nang magpunta ako sa helpdesk.

“Hi, you called me awhile ago.” Ipinakita ko ang ID ko sa kaniya. “My name is Coleen, ako ang...” I trailed off because our relationship already changed. “I'm the wife of the man you saw at the entrance, 'yong bugbog sarado. Nasaan siya?” I chose the safe label to avoid too much questions.

“He's still in the emergency room, Ma'am. Under monitoring pa po siya.”

Napatango ako nang mabagal habang may iniisip. “If so, kailan siya puwedeng makita?”

“Later po, kapag conscious na po ang patient.”

I nodded in understanding. “Thank you.”

Nakahinga ako nang maluwag. Mabuti naman at maayos siya. Pero hindi ko mapigilang mapatanong kung anong nangyari at kung bakit ito nangyari sa kaniya. May nakaaway ba siya? O napagtripan ng mga masasamang tao sa daan?

Kung ano man ang dahilan ay wala naman ng mababago. He's already here, unconscious and in pain.

“Justice must be served.”

Can't Be With You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon