Chapter 13

179 9 0
                                    

COLEEN

Bakit ba nandito na naman ang babaeng 'yun? Nililigawan niya ba si Gwen? Kung oo, edi magligawan sila. Pakialam ko ba. Alam ko rin namang makakatagpo siya ng bago niyang mamahalin.

But why I didn't like it to be Jean?

She is too good for Gwen. But Gwen is not meant for her. Hindi siya papasa sa standards na inabot ko noon. Walang magagawa 'yung pang-araw-araw niyang house visit, 'no. Kung ano-ano pang mga bagay na bimibigay niya kina Tita at Tito para lang maka-good shot. Her move is too common in this days. Wala ba siyang ibang magawa?

Just like today, kung makatulong kay Gwen sa pag-aayos ng kuwarto ay akala mo pinayagan siya. Pakiramdam ko talaga ay pinilit niya lang iyong isa para pumayag na makisali siya sa pagpapalit ng wallpaper nito. Psh! As if namang hahayaan ni Gwen na may tumatabi sa kanya nang sobrang tagal.

But heck! It's already happening.

Ano bang ginagawa nito kay Gwen at hinahayaan lang siya nang walang kahirap-hirap? Samantalang ako noon, halos magmukha ng aso kung makasunod sa kanya. Tapos ang lakas pa mangbakod ni Leah sa kaibigan niya. Akala mo naman girlfriend siya kung umasta, eh. Madalas niya pa akong ipahiya at saktan.

"Iha, hindi ka pa ba aalis?"

Napapikit ako nang mariin sa tanong na iyon ni Tito Gregory. Sa tono ng pananalita nito ay parang tinataboy niya ako paalis. Hindi 'yung basta simple at nag-aalalang tanong lang.

Nag-angat ako ng tingin kay Tito na siyang naghihintay ng isasagot ko. "I'm on my day off now, Dad." Saka ako ngumiti rito nang malaki.

He just nodded at me before heading upstairs. Bakit parang ang init palagi ng Tatay nila sa akin? Wala naman akong ginawang hindi maganda, ah. Alright. Maybe he didn't like me for his son. Okay lang naman ako sa pagtrato niyang ganito, dahil mabait naman sa akin ang asawa niya pati na si Gwen.

I am here in my usual spot in living area. Sitting uncomfortably on the couch while doing nothing. Dang! Why I feel so threatened to that Jean? This is so alarming. Kailangan ko yata ng sariwang hangin galing sa labas.

Sawa na akong makita silang dalawa na naghaharutan habang bumababa sa hagdan at may bitbit na kung ano-anong marurumi. Nakakaumay!

"Oh, Coleen, saan ka pupunta?" nagtatakang usisa ni Tita Grace nang makasalubong ko siyang papasok sa gate. Galing yata ito sa palengke para bumili ng ulam.

"Magjo-jog lang po ako sandali, Ma." Kahit hindi naman talaga iyon ang dahilan.

Inabot nito sa akin ang payong na hawak niya. "Maiinitan ka, Coleen. Tirik na tirik na ang araw, sigurado kang tatakbo ka pa?"

Yes Ma, tatakbo ako palayo sa dalawang 'yun. Mas mainit ang dugo ko ngayon kaysa sa sinag ng araw. So, I don't think I'll back out.

"Salamat po sa payong, Ma." I smile genuinely at her. "I'm just joking, bibili lang po ako ng ice cream."

"Oh, sige na anak. Mag-iingat ka sa daan, ah."

"Yes, Ma."

Binuksan ko ang payong nang maisarado ni Tita Grace ang gate. Mabagal lang ang ginagawa kong paghakbang para tumagal ang oras ko rito sa labas. Sigurado naman akong nakauwi na si Jean pagbalik ko. Hindi ko alam pero ayokong makitang magkasama ang dalawang 'yun. Mas ayos pa rin kung si Leah o Venus ang lagi niyang katabi at kausap. Because I know that they're just friends, nothing more nothing less.

Pero pagdating kay Jean, there's something fishy na amoy na amoy ko kahit sa malayo. Iyong paraan nang pagtitig at pagngiti niya kay Gwen, that's exactly I was before. I think, she's in love with her. And it's getting me anxious by thinking that Gwen will be feeling the same way.

Can't Be With You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon