Chapter 14

172 9 0
                                    

GWEN

“Leah?” Gulat na gulat ako nang makita siya pagkababa ko ng hagdan. Sino sa pamilya ko ang nagpapasok sa babaeng 'to? “Anong ginagawa mo rito? Bawal ka um-absent, ah.”

“Gwen, tulungan mo naman ako rito!”

“Si Jean ba 'yun?” Nakakunot ang noo niya habang tumatanaw sa itaas. Napatango lang ako sa kanya. “Sabi ko na nga ba hindi kayo papasok.”

Napaikot ako ng mata at binaba ang buhat-buhat kong kahon. “Kasalanan mo kaya kung bakit hindi kami nakapasok ngayon.”

“Bakit ako?”

“Nilasing mo kaya kami.”

“Not my fault, Gwen. Malay ko bang hindi niyo kakayanin.” Hinagod nito ang mga mata sa kabuuan ko bago umiling-iling. “Hindi ka pa naliligo, ‘no?”

“Pakialam mo ba!?” inis kong sabi at muling pumanhik sa itaas. Ramdam ko naman ang pagsunod niya sa likuran ko. “Hindi mo pa ako sinasagot, Leah.”

“Aayain sana kita lumabas today kasi tinanghali na rin ako nang gising.”

“Oh?”

“Yup. And unfortunately hindi ka pa nakakaligo. You're so...” Pinasidahan muli ako nito ng tingin mula ibaba hanggang paitaas.

Napataas ako ng kilay sa ginawa niya. “What?”

“Wala, mukha ka lang pulubi.”

Parang tinapakan ang pagkatao ko dahil sa sinabi niya. Lumapit ako at hinampas siya nang hindi kalakasan sa kanan niyang braso. “Damn yo—”

“Uy, Boss!” Pinutol ng sigaw na iyon ni Jean ang sasabihin ko. “Good Afternoon.”

“Bakit nandito ka rin, Miss Jean?” tanong sa kanya ni Leah nang makita ito. “You supposed to be at work by now.”

“We, Miss Leah.” Ngumisi ito at sinukbit ang braso niya sa braso ko. “Tatlo dapat tayong nasa kumpanya ngayon kung hindi mo lang sana kami inaya kagabi ni Gwen.”

Napatango naman ako sa sinabing iyon ni Jean. “Told you, Leah. Kasalanan mo 'yon.”

Sinamaan naman ako nito ng tingin at pagkatapos ay binalik muli ang atensyon kay Jean. “Hindi naman ako pupunta roon kung hindi dahil kay Gwen. It's her fault, not mine.”

Wow! Bakit ako? Pero bago pa ako makasagot ay nilagpasan na ako ni Leah ng lakad. Pumasok ito sa kuwarto ko.

Tumakbo kaming dalawa ni Jean para sundan ang bagong dating na buwisita. “Hoy, Leah, bawal ka diyan sa loob!” sabi ko kahit na nakapasok naman na rin siya.

“You have a lot of stuff. 'Yung totoo, Gwen, tambakan ba 'to rito ngayon?”

Mabilis na nag-init ang ulo ko sa mga binitawan niya. How dare her!?

“Anong tambakan ang sinasabi mo? Nag-aayos kami!” naiinis kong singhal dito.

“Oh?”

“Oo!”

“Huwag mo akong sigawan, bisita mo kaya ako rito. Mahiya ka naman sa akin.”

Unbelievable, Leah! Nakakasira ka ng araw.

“Ha! Ang galing. Clap clap, Leah.” Pineke ko pa ang pagtawa ko. “Nilalait mo kaya ang kuwarto ko.”

“I said, ngayon. Hindi ko naman sinabing marumi o talagang tambakan itong kuwarto mo.”

“Still.”

“Whatever, doon nalang ako sa baba.”

“Mabuti pa nga.”

Can't Be With You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon