Chapter 17

149 9 1
                                    

COLEEN

I was thinking about what happened earlier nang tabihan ako ni George sa kama. Hindi ako nakahiga at nananatili pa ring nakaupo habang nakasandal sa headboard. Hindi ako makatulog kahit na tumungtong na sa alas-diyes ng gabi ang oras.

Actually, this is the first time na naabutan ako ni George na gising pa. Palagi kasi akong nauunang matulog sa tuwing pumapasok siya sa banyo para mag-shower. I know that's me being too distant with him, but I just don't want him to ask me again about making a baby.

I am not ready for that. And thanks God, naiintindihan ako ni George at nirerespeto niya ang desisyon ko.

But my mind blew away when I felt a warm hand caressing my left thigh. Ang init ng palad nito sa balat ko. I bit my lip when it's comes up, and up to my folds. Nagbaba ako ng tingin sa kamay nito at kaagad iyong inalis. Tulad ng mga nakaraang araw, his face flashed of dissapointment and guilt on what he just did.

“I am sorry, Col,” kaagad niyang paghingi ng paumanhin.

“I told you, I am not ready for that.” Inalis ko ang sarili sa kama at nagtungo sa banyo. I . . . I feel disgusted. Damn! B-Bakit pandidiri ang naramdaman ko sa ginawa niya? This is alarming.

“George is your husband, okay?” I said to myself while looking at my own reflection in the mirror.

Minutes had passed before I decided to take a shower. Hinubad ko ang lahat ng saplot sa katawan at hinayaan kong dumaloy ang malamig na tubig sa balat ko. I closed my eyes and feel its coldness into my skin.

Ang sarap sa pakiramdam.

Matapos ang matagal-tagal na pagbabad sa ilalim ng bumabagsak na tubig ay napagpasyahan kong lumabas na. Pinatuyo ko ang buhok gamit ang blower na nakalagay din dito, at pagkatapos ay kumuha ako ng tuwalya na ipangbabalot ko sa hubad kong katawan.

George was already sleeping when I went out from the bathroom. Tahimik akong lumapit sa closet at kumuha ng panibagong susuotin na damit. Dali-dali ko iyong sinuot sa sarili at kumuha ng suklay para suklayin nang maayos ang aking buhok.

Isang oras ang lumipas, nananatili pa rin akong gising at nakatulala sa kawalan. Habang lumalalim ang tulog ng lalaking nakahiga sa tabi ko, heto ako at lumilipad ang isip patungkol sa mga bagay-bagay.

Ganito na lang ba ang buhay ko? Paulit-ulit nalang ang nangyayari? Gigising ako sa umaga para maghanda sa trabaho, magpapakapagod, at uuwi sa bahay para magpahinga. Ayaw ko mang aminin pero nakakasawa na ang cycle ng bawat araw para sa akin.

I heave a sigh at maingat kong inalis ang sarili sa kama para magtungo sa unang palapag ng bahay. Bigla kasi akong nakaramdam ng pagkauhaw, pero ang kini-crave ko sa mga oras na ito ay ang gatas. Mayroon naman stock sa ref, kaso nga lang ay kay Gwen iyon lahat. Pero hindi naman siguro niya ikagagalit kung kukuha ako roon ng isang baso, 'di ba?

Maingat kong isinarado ang pinto para hindi makagawa ng anumang ingay. But in the end, it's still creaked. Napairap ako dahil sa tunog na iyon at nag-umpisa nalang na lumakad papunta sa hagdanan. I switched the lights on, iyong ilaw na nakapuwesto para makita ko nang maayos ang mga palapag ng hagdan.

Dire-diretso kong tinungo ang refrigerator nang makababa ako at makapasok sa kusina. Ano bang klaseng craving 'to? Parang tinutuyo nang masyado ang lalamunan ko. 

I opened the ref and the coldness immediately hits my exposed skin. Damang-dama ko ang lamig niyon dahil tanging night gown lang ang suot ko. I didn't bothered to wear a bra dahil aakyat din naman ako ulit sa kuwarto matapos kong makainom.

“It's already 11:28 in the evening, hindi ka rin makatulog?”

Feels like my feet glued on the floor when I heard a voice from behind. “G-Gwen,” utal kong tawag sa pangalan niya. Sa boses palang niya, I know it's her. Nanatili lang akong nakaharap sa ref at nakalikod sa kaniya. My goodness, I am not wearing bra! “Uhm, yes, naghahanap ako ng gatas pampatulog,” I managed to reply.

Can't Be With You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon