Chapter 16

162 8 0
                                    

GWEN

"Ven, I need your help," bulong ko sa tainga nito nang makaupo ako sa puwestong napili namin sa cafeteria.

Hininaan ko lang ang pagkakasabi at baka marinig ni Leah ang pinag-uusapan namin. Pero mukha namang malabo iyong mangyari dahil nasa hawak nitong libro ang buong atensyon niya.

"Saan? Ayoko kapag involve ang thesis, ah."

Napaikot ako ng mata sa sinabi niya. "Don't worry, tapos na ang thesis namin, iba 'to at mas mahirap." Dahan-dahan na nagsalubong ang mga kilay nito at sa huli ay tanging pag-iling lang ng ulo ang isinagot sa akin. I scoff at her.

"Ehh, hirap na hirap na nga ako sa mga projects namin sa arki tapos tutulungan kita?" angal nito na ikina-guilty ko kaagad. "Ano nga ulit course mo? Accountancy?"

"Hindi naman tungkol sa acads 'to, Ven." Ngumuso ako sa harapan niya para kahit papaano ay mapapayag ko siya. Bentang-benta ang ganito kay Leah, eh. Ang bilis niyang pumayag kapag inaartehan ko siya ng pangusonguso.

"Ako nalang ang tutulong sa 'yo, Gwen." Mabilis na napunta ang mga mata ko sa taong kaharap namin. Tinanggal nito ang suot na salamin sa mata at blangko ang mukha na tumingin sa akin. "About saan ba 'yang pino-problema mo?"

I remain silent for straight ten seconds, at saka lang ako natauhan nang isarado niya ang libro sa mismong tapat ng mukha ko.

"Leah!"

"Don't space out because of my face," saad nito at ngumisi nang nakakaloko sa 'kin. "I know I'm pretty enough to caused you to salivate, Gwen."

Salivate?

Wala sa sarili akong napapunas ng bibig dahil sa sinabi niya. Nagngalit ang mga ngipin ko nang mapagtantong wala naman akong basa na nahawakan.

Can't Be With You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon