Chapter 33

155 6 0
                                    

three years ago...

COLEEN

"Are you sure, girl?"

Tumango ako kay Sheila. "Yes, that's why I need your help. Matutulungan mo ba ako?"

"Oo naman!" She giggles. "Hindi ko talaga in-expect na meron na palang nagpapangiti sa 'yo nang ganito. I'm so happy for you, Coleen. Friends na ba kayo kahit papaano?"

Kagat-labi akong napatango dahilan para mapatili siya sa kilig. Napaka-supportive niya talagang kaibigan.

"Okay okay, madali lang naman ang solusyon diyan. Kakaibiganin lang natin siya tapos iimbitahan natin sa birthday party mo," tatawa-tawa niyang sambit kaya halos mag-init ang pisngi ko. "What about we abduct her and lock her with you?"

Umiling ako bilang pagtutol. "I can't do that to her, baka magtaka siya tapos matakot pa. I think, I stick to befriend her first tapos iimbitahan ko siya sa birthday ko."

"I thought, friends na kayo?"

"Somewhat like that, medyo close na kami."

"Medyo lang?" taas-kilay niyang tanong na tila nakukulangan. "Itodo mo na, Coleen. Kung puwede at kaya mo naman, landiin mo na."

Mabilis na uminit ang pisngi ko at napaiwas ng tingin. "I can't be a flirt, Shei. Hindi ako ganoon," pabulong kong sambit at muling tumingin dito. "I'll befriend her first and I'll get to know her more. Baka next na ro'n iyong pag-amin ko."

"Okay, if you want to take it slow, who am I to stop you? Susuportahan kita," she said and give me a light tap on my shoulder.

Napangiti ako. "Thank you, Shei."

"You're welcome."

"But you need to apologize with Leah before I take a step."

Kumunot ang noo niya, naguguluhan. "Who's Leah? At bakit ako mag-a-apologize?"

"Do you remember the incident in the field? Iyong araw na naghiwalay kayo ni Kent tapos may nakaaway kang babae, it's her," pagpapaliwanag ko.

"Yeah, naaalala ko siya." She tilted her head to her left side. "Pero bakit nga ako magso-sorry sa babaeng 'yon? As if she got injured and I really owe her a sorry."

"You owe her one in order to be close to them," paliwanag ko. "Friends sila ni Gwen."

"Okiee." She nod her head and gives me a thumbs up. "For your happiness, I'll do it. Let's befriend them," dagdag niya na siyang ikinangiti ko nang malapad.

+++

Two days before my birthday and I am still contemplating about inviting Gwen.

Kinakabahan kasi akong lumapit at kausapin nalang siya bigla lalo pa't busy sila these days. Sa pagkakaalam ko kasi ay may project silang ginagawa sa isang major subject nila.

Noong nakaraang attempt ko kasi ay hinarang ako ni Leah dahil gusto niya raw akong kausapin. The talk went intense because she threatened me to stay away from Gwen---na siyang ipinagtataka ko dahil wala siyang binigay na rason. Like, did she know that I like her friend? Or worst, baka alam niya na sinusundan ko nang palihim ang kaibigan niya.

Can't Be With You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon