Chapter 35

145 8 1
                                    

three years ago...

COLEEN

Gaya ng sinabi ni Gwen, nilayo ko ang sarili ko sa kaniya. Pangatlong araw na ito na hindi ako sumasabay kapag nagla-lunch sila dahil iniiwas ko na makita niya ako. At balita ko kay Sheila, inimbita na nito si Nick sa lamesa noong nakaraang araw, he occupied my space. Hindi na ako humingi ng iba pang detalye dahil alam kong ikasasakit ko lang iyon.

Kasalukuyan kaming magkasama ni Shei rito sa bahay, binisita niya ako para ayaing lumabas pero 'di ako pumayag dahil balak kong magpinta ngayon. Mabuti na lang hindi na siya umangal pa at mas pinili na lang akong intindihin kaya heto siya ngayon at nakatambay lang.

“Hindi na siguro ako tutuloy sa pagnood ng soccer.” I sip to my coffee and continue to blend the colors on my pallette. Katatapos ko lang mag-sketch sa puting canvas. Ang balak kong iguhit ay ang nakikita ko ngayon sa kalangitan. I saw myself as it kasi kaya ito ang naisip kong reference. The sky is crying out but it is not that loud, kumbaga umiiyak lang siya nang mahina at pinaaalam sa mga tao na malungkot siya. It was actually interpreting my melancholy feeling.

“Eh 'di dapat 'di ka na bumili ng ticket.”

“I was preoccupied the time I bought it,” tugon ko at muling naghalo ng isa pang kulay sa mini-mix kong pintura, ginagaya ko sa kulay ng ulap. “Ibibigay ko na lang siguro sa may gustong manood.”

Wala akong narinig maliban sa malakas na palatak mula kay Sheila kaya inumpisahan ko na lang ang pagpinta. Pero alam ko naman na may sasabihin at sasabihin ito kaya hinanda ko pa rin ang tainga ko para makinig.

Lumayo na rin tayo sa tatlo, parang 'di naman din tayo welcomed.”

Doon ay napatigil ako at napatingin sa kaniya. “Bakit naman tayo lalayo?”

“We befriended them because of Gwen, 'di ba? Pinalalayo ka na niya kaya lumayo na rin tayo.”

Can't Be With You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon