Chapter 46

198 9 2
                                    

COLEEN

“Gwen,” I called her as I walk from the bedroom to the kitchen area. Naroroon kasi ito. She's making a hot drinks for the both of us, coffee sa akin habang gatas ang kaniya.

“Yes po?”

Napangiti ako sa sagot nito bago ko ipinulupot ang mga braso para iyakap sa baywang niya. “Dito ka ba matutulog mamayang gabi?” I placed my chin on her shoulder. Hindi naman ako nahirapang gawin 'yon dahil nag-adjust ito para bahagyang ibaba ang balikat niya. We're almost on the same height, mas mataas lang ito ng 2inches sa akin.

“Convince me.”

Napabungisngis ako sa tugon niya. “Okay. Hmm... paano ba?” Sandali akong nag-isip. “Enough na ba 'yong kiss para pumayag ka?”

“Pag-iisipan ko.”

“Eh, Gwen!” kunwari'y patampo kong saad. “Dito ka na matulog, ha. Baka kasi may sumulpot na multo sa paanan ko mamaya.”

“Creepy.” Sabay tawa nito kaya bahagya kong kinurot nang mahina ang tiyan niya. “Fine, iiwan ko na lang si Hannie sa 'yo para may katabi ka matulog.”

“Gusto ko tabi tayong tatlo.” Nguso ko kahit hindi niya kita. Tanging pagsimsim lang ng kape ang narinig kong tugon niya. “Kung ayaw mo, doon na lang ako makikitulog sa 'yo. You choose.”

“Parang wala na yata akong choice.” She turn around and face me, napakalas ako sa yakap nang iabot nito ang basong para sa akin. “Cheers!”

We both laugh when we have a toast. Napatitig ako rito habang sumisimsim siya ng gatas. Ang ganda niyang bungad sa umaga. Wala itong kahit anong kolorete sa mukha pero litaw na litaw ang natural niyang kagandahan.

Napangiti ako. I texted her earlier to come here in my apartment, pumayag naman siya kaya nga siya nandito ngayon. She's the one who offered to make us a morning drink too. 'Di na ako nagreklamo dahil gawain niya talaga noon pa na pagtimplahan ako. At saka, gusto ko rin mapagsilbihan ng babaeng mahal ko.

“Honey,” I heard her soothing voice.

“Hmm?” Pinanood ko ito sa ginagawa niya. She's now spreading the butter on the toasted bread.

“Anong oras ang out mo sa trabaho?” Sabay abot nito sa akin ng tinapay na siyang kinuha ko naman habang nakangiti.

“7PM.” I took a big bite of the bread.

“Doon ka pa rin ba nagta-trabaho ngayon?”

Mabagal akong napatango. “Bakit, susunduin mo 'ko?” Pangiti na sana ako kaso naudlot nang umiling siya. “So... bakit mo gustong malaman?”

“Wala lang.” Sinundan ko ito nang mag-umpisa siyang lumakad paalis sa kusina dala ang tinapay niya at baso ng gatas. Nakarating kami sa salas at naupo nang magkatabi. “Ahm, may sasabihin pala ako.”

“Tungkol saan?”

“Mawawala ako ng tatlong araw.”

Napakunot ako ng noo. “Bakit? Saan ka naman pupunta?”

“I took a three-days leave and it's already granted yesterday. Balak ko sanang mag-trekking somewhere in Mindoro,” she replied and gave me a small smile.

“Mag-isa ka lang?”

Tumango siya bago humigop sa baso.

“What about Hannie?”

“Iyong pusa o ikaw?”

Oh yeah I forgot, we have the same pronunciation of the name.

“Kaming dalawa. Paano kami?” I asked her and gave her a small pout. Binaba ko ang baso sa mesa at kinuha ang pusa nang saktong dumaan ito sa paanan ko. Narinig niya kasi ang pangalan niya kaya lumapit. I caresses her fur before giving her a light kiss. “Gusto mo ba sumama sa Mommy Gwen mo? Ha? Oo? Ako rin!” Nang tumaas ang boses ko dahil sa excitement ay nag-meow ito dahilan para tingnan ko si Gwen nang may ngiti. “We both said yes.”

Can't Be With You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon