Chapter 01

654 15 0
                                    

GWEN

Bagot na bagot ako habang hinihimas ang balahibo ng cute kong pusa habang nakasalampak sa sopa. Magdadalawang oras na ako rito sa baba at buryong buryo na sa nangyayari.

"Kawawa naman tayong dalawa, Hannie, wala tayong kasama rito sa bahay," walang hiya-hiyang sambit ko habang nilalaro ang matabang pusa sa kandungan ko.

Wala namang ibang tao bukod sa akin kaya ayos lang na kausapin ko siya. Pero nalulungkot lang din ako kapag naiisip kung bakit ako nag-aalaga nito. Hannie was supposed to be my gift for her. Pero ayos lang na hindi ko naibigay kasi naging stress reliever ko na rin itong pusa.

"Bakit ang tatagal namang bumalik ng mga taong 'yun?" muli ay tanong ko pa kahit alam ko namang walang sasagot.

Nagpaalam kasi sina Mama at Coleen na mamamalengke raw sila. Habang 'yung dalawang lalake naman, sina Papa at Kuya George, nagpaalam na magbi-billiard daw sila sa kabilang subdivision. Psh! Palibhasa ngayon lang ako pumayag na magbantay ng bahay kaya nasisiyahan silang iwanan ako.

Tinitigan ko ang damit na suot ni Hannie at saka nagdesisyong tanggalin iyon para palitan.

"Wait me here baby, kukuha lang ako ng bagong damit mo," paalam ko bago tumayo at iniwan siyang nasa taas ng sopa.

Dahan-dahan akong pumanhik ng hagdan dahil feeling ko nanghihina na ang mga tuhod ko. Wala pa akong kain. Wala pang ligo-ligo. Wala rin akong maka-usap. Ano bang buhay 'to, oh.

Nang makapasok ako ng kwarto ay humiga na muna ako sa kama. Hinagis ko lang iyong damit na sinuot ni Hannie sa basket ng mga lalabhan. Tinatamad na talaga akong kumilos pati na gumalaw. Gusto ko nalang matulog nang buong araw ngayong linggo.

Sa sobrang kumportable nang pagkakahiga ko ay halos mapabalikwas ako sa kama nang bigla nalang tumunog ang cellphone ko sa bulsa. Hinugot ko iyon at agad-agad na binuksan para tignan kung anong mayroon.

Sis, samahan mo ko sa gym, work out tayo.

Napangiti naman ako pagkabasa ng mensaheng iyon. I type my reply saying, Okay, wait ko lang sina Mama makauwi then I send it.

Ilang segundo lang ang lumipas ay nakatanggap na muli ako ng message mula sa kanya.

Ngayon na, ready na ako eh.

Napairap ako pagkabasa n'yon. Kahit kailan talaga napaka-atat ng babaeng 'to.

Wala pa akong kain, mamaya na.

Again, I send it to her.

Tsk. Siguro nandyan si Hannie kaya 'di ka makaalis.

Sino bang Hannie ang tinutukoy niya? Iyong pusang mataba o iyong isa?

Yes, Hannie is here. Nakahubad pa nga sa baba eh.

Napangisi ako habang hinihintay ang magiging mensahe niya sa sinabi ko. Maya-maya pa nga ay dumating na sa akin ang sagot niya.

Hoy Gwen, gaga ka ba. Pagbihisin mo 'yan, baka mahuli kayo ni Kuya George!

Can't Be With You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon