Chapter 36

146 6 0
                                    

three years ago...

COLEEN

Lumipas ang isa, dalawa, hanggang tatlong linggo na 'di kami nagpapansinan ni Gwen matapos 'yong tagpo sa kanto na 'yon. Nagpaka-busy ako sa schoolworks habang ganoon din siya. Minsan na lang din ako sumabay sa kanila during lunch, hoping for her to miss me. At baka 'pag nangyari 'yon ay bumalik sa dati na normal lang ang lahat. But not until one day, I was surprised when she penned me a message saying that we need to talk privately.

Kahit na wala akong ideya kung anong pag-uusapan namin, nagpunta ako. Walang ayos-ayos ng sarili, basta pagkatapos ng klase ay kinita ko siya in that certain place we used to go after class. Sa may ilalim ng pinaka-malaking puno na malapit sa quadrangle.

'Di rin nagtagal ay dumating na siya. Nagulat pa nga ako nang dire-diretso itong lumapit sa puwesto ko habang masama ang tingin sa akin. Ang una niyang bungad, “Seriously, Honey? Are you even thinking?!”

“What?”

Marahas itong napabuntong-hininga. “Kayo na raw.”

I became more clueless. “Nino?”

“May iba pa ba?”

“Hindi kita maintindihan, sino ba kasi?” I lower my voice so she can calm down. Paano ba naman kasi, matalim pa rin ang titig nito sa akin na para bang may ginawa akong masama. Pero kahit na sinubukan ko siyang ikalma ay ganoon pa rin, mukha pa rin siyang galit. Paano ko pa ipapaintindi sa kaniya na wala naman akong sinagot na kahit na sino? Gosh.

She breathed out as if she's so tired of talking to me. “So marami pa palang iba?”

“Wait, Gwen.” I move my hand to signal her to stop talking. “Can you please say it specifically, hindi kita makuha eh. Ano ba kasing pag-uusapan natin? And where did you get that info na may sinagot ako? Na kami na nino?”

Seryoso ka?” buong panunuya niyang saad. “Bakit ayaw mo pang aminin na kayo na ng Yohan na 'yon? Hindi mo siya sinagot? Eh paano naging kayo? Stop fooling me, hindi ako tanga.”

Can't Be With You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon