Chapter 18

142 10 0
                                    

GWEN

“Ano nang plano mo sa Kuya mo?” tanong ni Leah sa akin habang inaayos nito ang pinagkainan namin.

Dito kasi kami nag-breakfast sa room ko dahil ayaw ko munang makita si Kuya George rito sa bahay. I just can't see his face right at this moment. Nanggigigil ako dahil sa nalaman ko tungkol sa dirty secret niya. How the hell he did that to his wife?

And seriously?

Of all people, bakit si Sheila pa?! Bakit iyong best friend pa ng asawa niya? Nakakagago lang! Hindi man lang ba nag-iisip ang damuhong iyon? Basta-basta nalang mangangaliwa ng walang dahilan?

Yes! He don't have any reasons. And he don't deserve to have an explanation. Wala siyang magiging dahilan para mangaliwa at lumandi ng ibang babae. Ni wala nga siyang makukuhang reklamo at problema sa asawa niya, eh! May kulang pa ba kay Coleen para gaguhin niya ng ganoon? Wala naman, ah.

So why the fuck he did that to her?!

“Gwen!”

Sinamaan ko si Leah ng tingin nang sigawan ako nito. Isa pa 'to, nakakainis din. Hindi man lang sinuntok si Kuya George para sa akin nang mahuli niya noong gabing lasing ako. Hays.

Leah informed me about my brother's love affair. Pinakita pa nito sa akin ang pictures na nakuha niya nang gabing iyon. It's crystal clear na sina Kuya George at Sheila nga ang nasa litrato. Magkahawak ang kamay nila, nakangiti nang malapad sa isa't isa, at higit sa lahat, they're having a sweet kiss. Hindi ko alam kung gaano tumagal ang halikan nila na 'yon pero kahit hindi ko malaman ay alam kong higit pa roon ang nangyari.

It makes me want to confront Coleen para tanungin kung anong oras umuwi noon si Kuya George, para sana malaman ko kung umuwi rin ba ito kaagad matapos ang insidenteng iyon. Wala kasi akong malay nang nangyari ang bagay na 'yon. Pero kung nagkataon lang na mayroon akong malay ng mga oras na iyon ay siguro iniwan na siya ni Coleen ngayon. At hindi ko na siguro siya nakikita pa rito.

Is that a good thing din ba na hindi niya pa rin alam? Para manatili lang siya rito at nakikita pa rin ng mga mata ko? But I can't take the truth away from her, kailangan niya pa ring malaman kahit na masakit.

Balak ko na sana siyang pagsabihan na bantayan niya ang mga galaw ng asawa niya. But last night changed my mind when she asked me if I'm happy in my life. Nagulat pa nga ako roon dahil masyadong biglaan niya akong tinanong. But I answered it anyway, kahit na hindi totoo ay sinagot ko nalang siya. But when I asked her the same thing at sumagot siya ng Yes, I'm happy. I felt sad and regret asking her afterwards. I tried to asked her again dahil baka napilitan lang siya pero pareho lang ang naging sagot niya. She didn't even stuttered. Nagmukha akong kawawa roon kaya minabuti ko na lang na umalis na.

How can I protect her when she really love my brother that much? Matatanggap niya bang malaman na niloloko na siya ng kapatid ko? That his beloved husband is now cheating with her own best friend? Matatanggap ba ni Coleen na ginagago na siya ng dalawang tao na malapit sa kaniya?

Of course not.

Hindi niya iyon matatanggap. Mahal niya nga raw, eh. Masaya nga raw siya kay Kuya George. So bakit pa ako mangingialam sa kanila? Ano niya ba ako? Ayoko nalang banggitin dahil ang pangit pakinggan, tapos makikisali pa ako sa kuwento nila. Magmumukha lang akong pakialamera.

Natigil ang pagda-drama ko sa isip nang may pumahid na daliri sa aking pisngi. “It's okay to cry, Gwen.”

Tinabing ko ang kamay nito na patuloy pa rin sa pagpahid ng pisngi ko. “I'm not crying, Leah,” mariin kong tanggi kahit na nararamdaman ko naman ang pagtulo ng luha sa aking mga mata. Akala ko kapag sinabi kong hindi ako umiiyak ay makiki-cooperate rin ang sarili ko. But when I say those three words, garalgal at sobrang hina ng boses ko.

Can't Be With You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon