Chapter 21

153 7 0
                                    

GWEN

Nang makalabas ako sa elevator ay mabilis na hinanap ng mga mata ko ang isang tao na tumawag sa akin kani-kanina lang. Sinabi kasi nito sa akin na kailangan ko raw bumaba dahil may ibibigay daw siya na pinaaabot ni Mama.

Nakakahiya naman na ito pa ang inutusan ni Mama para lang papuntahin dito. May trabaho rin kasi ito at alam kong naglaan pa siya ng oras para lang huminto sa company namin imbes na lampasan na lang.

Hindi ako nahirapang hanapin ito dahil natatangi ang porma nito sa mga mata ko. Tanaw ko ito sa glass wall habang nakatayo sa labas, naka-side view siya habang tinatanaw ang itaas ng kabilang building sa malapit. She's wearing a floral dress and she used the denim jacket as a cover on her top.

Naka-off shoulder ba siya o naka-backless?

I sigh heavily before making way towards her place. Lumabas ako at sinabihan ang guard na sandali lang at may kailangan lang akong kausapin.

“Coleen.” I patted her right shoulder to caught her attention. Malawak itong napangiti nang makita ako kahit na halatang naiinitan na talaga ito rito sa labas. Lumakad ako palapit sa kaniya para salagin ang sikat ng araw na tumatama rito. “Bakit wala kang dalang payong? Mainit pa naman,” I can't help to mention.

“What are you doing?”

“Huh?”

“Stop blocking the sun for me,” puna nito sa ginagawa ko. Pero imbes na sundin ito ay kinuha ko na lang ang dala niyang paper bag. Ayokong humaba pa ang usapan namin. Gusto kong umalis na ito sa harapan ko dahil ayoko muna siyang makita sa ngayon. “Mayroon naman akong dalang payong, naiwala ko lang kanina sa bus.”

Napatigil ako sa pagsilip ng loob ng paper bag at nag-angat ng tingin para lang mapakunot ng noo. “Hindi ka hinatid ni Kuya?” tanong ko kahit halata namang iyon talaga ang nangyari.

“May meeting daw siya,” tugon nito at luminga-linga sa paligid. “I've gotta go, Gwen. Baka ako pa ang mahuli sa trabaho.”

Napatango na lang ako nang mabagal sa kaniya dahil iyon din naman ang gusto ko. Ang hindi na muna ito makita. Akala ko ay hindi ko siya makikita nang buong araw ngayon dahil todo na ako sa pag-iwas. But she's now in front of me. . . looking so damn beautiful with her light make-up.

Isa pang napansin ko rito ay ang amoy niya, ang nakakahatak na halimuyak ng matamis na bulaklak.

Damn. She silently driving me crazy without her knowing. Paano niya 'to nagagawa?

“Gwen,” she snapped at me. Napakurap naman ako at nahihiyang napangiti sa kaniya. Nahuli niya ba akong nakatitig? “Aalis na ako kaya puwede ka na ring bumalik sa trabaho mo.”

”Yeah, sige,” nasabi ko na lang kahit na nagbago na ang isip ko. I want her to stay kahit na ilang saglit lang. Even just for one minute or two. But when she started to make a step back I don't have a choice but to wave my free hand. “Ingat ka, Col. At salamat pala sa pagdaan nito sa akin,” pahabol ko at tinuro ang hawak kong paper bag na may lamang tupperware ng pagkain.

She nodded her head twice as she continue on walking away. “Bye, ingat ka rin!” saad niya bago tuluyan akong talikuran.

That's it. Unti-unti nang naglaho ang pigura niya habang nakatingin lang ako sa perpektong likuran nito. Naramdaman ko na lang na parang may tumarak na matulis sa aking dibdib at may tumulong patak ng luha pababa sa aking pisngi. Para kasing iniiwan niya ako ulit kapag nakikita ko siyang lumalayo. Ang sakit lang dahil bumabalik sa akin ang nangyari noon. When she left my room and then by tomorrow she suddenly left the country.

Can't Be With You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon