Chapter 06

274 12 0
                                    

GWEN

"Totoong sinabi niya 'yun?"

Napahawak ako sa noo at dahan-dahan iyong hinilot. Umupo muna ako sa kama bago muling tumingin sa screen ng hawak kong laptop.

Tumango ako sa kausap ko. "Matagal na raw 'yun, Ven. Na-feel mo ba?" mahina kong sabi at bumuntong-hininga pagkatapos.

"Na-feel ang ano, Gwen?" Sa itsura ni Venus ngayon ay kitang-kita kong naguguluhan din siya katulad ko.

"Na mayroong magugustuhan na babae si Leah." Napadapa ako sa kama at kaunting parte lang ng mukha ang pinakita ko sa screen. "I don't know how to react now, Ven. Puntahan mo ako rito sa bahay, dito ka na rin matulog."

Sandaling katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa. And then after a moment I heard her sigh on the other line.

"Okay, magpapaalam muna ako kay Mama. I'll hang up now, Gwen."

"Sige, ingat ka. See you." Kumaway pa ako rito bago pinatay ang tawag at sinarado na rin pati na ang laptop.

Muli akong humiga pagkatapos maibalik ang bagay na hawak ko sa drawer. I feel so tired. Nawalan na rin ako ng gana na kainin ang cheesecakes na binili para sa akin ni Jean kanina.

Siya ang naghatid sa akin pauwi rito sa bahay. Tutal kotse naman talaga niya ang gagamitin namin. Pero ang balak sana niya kanina ay ako ang magmamaneho para sa kanya. Tapos mag-commute nalang daw ako matapos ko siyang maihatid. Talagang may pagkabaliw din ang babaeng iyon paminsan-minsan.

Actually, Leah offered me a ride too but I refused. I go with Jean kahit na medyo awkward din kanina sa loob ng kotse. Good thing, the music was on, it makes me feel light and at ease kahit na papaano.

Two of my friends is planning to win me. Seryoso ba talaga sila? Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na magugustuhan ako ng mga babaeng 'yun, eh. Habulin na ba ako ngayon? Dati kasi hindi naman dumudoble ang umaamin sa akin kahit na naririnig kong may mga palihim na nagkakagusto sa akin. Ngayon lang talaga 'to nangyari kaya ang hirap paniwalaan.

What if, I'm already dreaming?

Pero hindi ko naman maalalang nakatulog ako. What about I sleep now? Baka paggising ko ay laro-laro lang pala ng utak ko ang lahat. Gawa-gawa lang ng sarili kong utak, ganon.

But heck it's real! Paano ko na haharapin ang mga babaeng 'yun bukas? But wait. Bakit parang ako pa ang nahihiya sa nangyayari? Dapat hindi ako namomroblema, eh. Act cool lang dapat ako bukas.

Malakas akong bumuntong-hininga bago tumayo sa kama. Maingat kong kinuha ang isang kahon ng cheesecakes na nakapatong sa bed side table. I should share this to my family because sharing is caring. Bumaba ako at pumunta sa kusina. Pero halos hindi na ako makahakbang pa nang maabutan ko si Coleen na mag-isa lang dito.

I almost faint when she suddenly turned her head to me. Nakakatawa lang kasi halos pareho kaming nagulat sa isa't isa. Tingin ko ay naramdaman na naman niya ang presensya ko kaya siya biglang napalingon.

"Gwen, nakauwi ka na pala." She stopped washing the dishes para tignan ako nang maayos. "Kumain ka na ba?" Pinunas niya ang mga kamay sa suot na apron matapos matanggal ang gloves na ginagamit niya.

Umiling lang ako at saka pinatong ang hawak kong pagkain sa lamesa. Bakit ba lagi nalang kami ang magkasama rito sa bahay? Kung wala sina Papa at Kuya George, si Mama naman ay laging nasa kuwarto nila. Lilima na nga lang kami rito sa bahay tapos hindi pa kami magkatagpo-tagpong lahat.

"Let's eat, hindi pa rin ako kumakain, eh."

"You should wait and eat with Kuya," hindi ko alam pero iyon ang lumabas sa bibig ko. Kita ko namang nabigla siya sa sinabi ko. "Did I hurt your feelings, Coleen?" nananantiya kong tanong dahil parang nasaktan talaga siya sa binitawan kong mga salita.

Can't Be With You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon