Chapter 43

154 8 1
                                    

COLEEN

It's been 5 days when I knew the truth. Limang araw na rin akong paulit-ulit na kinukulit ni Tita Grace na dumalaw sa bahay nila. George was already discharge from the hospital, sa bahay na ito nagpapahinga ngayon. He even sent me a message saying that I should come and visit to at least show his parents that we're okay. Naging perfect alibi kasi sa pagbukod ko ng tirahan ang biglaang pag-alis ko roon sa ospital. They think that George and I had a fight, and I needed a space kaya hindi na ako roon umuuwi.

Pero ngayon na lumipas na ang ilang araw, sila na ang nag-i-insist na ayusin na namin ang gulo. Gusto kong sabihin na wala na kaming aayusin dahil wala na kami. Pero hindi iyon gano'n kadali. I have to talk to George to do it together. Kailangan naming ipaliwanag ang lahat ng nangyari para hindi na kami nahihirapang magsinungaling.

“Good morning, Ma.” Bumeso ako rito bago kami naglakad papasok ng bahay. “Si George po? I'll talk to him.”

“Good morning, iha, nasa taas siya. Mabuti naman at aayusin n'yo na kung ano mang gulo 'yan,” saad nito sabay haplos sa aking buhok. “Ang problema talaga ng mag-asawa dapat inaayos agad para hindi na lumaki. Oh siya, sige na akyatin mo na ang asawa mo nang makapag-usap na kayo.”

Napatango ako.

“Bumaba nalang kayo 'pag tapos na, hihintayin namin kayo para sabay-sabay na tayong kumain ng agahan.”

Again, I nod my head. “Sige po, Ma.”

Umakyat ako at kumatok sa dati naming kuwarto ni George. Nagulat ito nang makita ako nang mabuksan niya ang pinto.

“Coleen, anong ginagawa mo rito?”

“Let's fix this.” Sabay pasok ko sa loob at isinarado ang pinto sa aking likuran.

Nangungunot ang mga kilay na napatingin ito sa akin. “Fix us? Do you mean...” he assumed.

“Fix the problem, iyong maling pagkakaintindi ng parents mo sa ating dalawa. Let's tell them the truth right now,” I told him without hesitation.

“I don't think it's the right time,” may alangan niyang sambit sabay iwas ng tingin.

“Kailan pa?” I'm starting to get upset.

Lumakad ako papunta sa higaan at naupo roon. I looked around the room, walang pinagbago, nawala lang iyong mga gamit ko. He didn't rearrange anything.

“Look, Coleen, I don't know how to start it. Anong ipapaliwanag ko?”

“Tell them you cheated on me,” walang pag-aatubili kong saad. “That I found out about it and I break up with you. Hindi ka ba napapagod pagpalusot sa kanila? It's already been two weeks, George.”

Napahilamos ito sa kaniyang mukha dahil sa frustration. “Hindi 'yon gano'n kadali.”

“Eh 'di dapat in the first place pa lang hindi mo na piniling gumawa ng mali,” I didn't hide my irritation. “Dinamay mo pa 'yong kaibigan ko.”

“I told you hindi ko alam na magkaibigan kayo, nalaman ko lang siya kay Gwen.”

“Still, you continued it.” Napakurap lang ito sa sinabi ko at hindi na nakapagsalita. “Why did you even do that, George? Anong rason bakit ka naghanap ng iba?”

Matagal itong napatitig sa akin, mukhang pinag-iisipan nang mabuti ang isasagot. He release a deep sigh before he lean his back against the cabinet. “It's not because you lacked of something, it's my choice to taint our marriage. Tama nga si Gwen, ang babaw nga ng rason ko.”

“It's because I don't want to submit my body to you, isn't it?”

“Coleen, hindi mo kasalanan na---”

Can't Be With You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon