COLEEN
It's 9PM. Kasalukuyan akong nasa waiting shed at naghihintay ng taxi. Pauwi na ako galing trabaho kaso nahihirapan pa akong makasakay dahil kaunti lang ang sasakyan na dumadaan. I already ate in the near fast food, nag-text na rin ako kanina kay Mama Grace na hindi na ako kakain pag-uwi.
Nilibang ko ang sarili sa hawak kong cellphone, nag-scroll down ako sa iisa kong social media account. Wala naman akong nakitang bago, matamlay pa rin ang wall na meron ako. Walang ibang makikita rito kun'di ang iilang pictures na kuha sa simbahan noong ikinasal kami ni George.
Pinag-iisipan ko rin itong burahin kapag nakapag-file na ako ng annulment. Though hindi pa kami nakakapag-usap ni George tungkol doon, I'm already decided to arrange the papers whether he like it or not.
Muntikan ko nang mabitawan ang cellphone nang biglang may bumusina nang malakas sa harapan ko. Napahawak ako sa dibdib.
“I'm sorry, Col. Nagulat yata kita.”
I went pokerface. “Anong ginagawa mo rito, George?”
“Sinusundo ka.” He smiled then handed me the another helmet he brought. Tinitigan ko lang iyon kaya in-offer niya ulit. “Please, Col, just let me make it up to you.”
“I told you---”
“Sinabi mo lang naman na makikipaghiwalay ka kasi galit ka kagabi, hindi ba? Let's fix this, Coleen, let's fix us please.”
“Para saan pa?”
“We're married.” There's a glint of needing as he stare at me, para itong nagmamakaawa. “Please, isalba natin 'yong marriage nating dalawa. Kaya pa naman natin 'tong ayusin, 'di ba? I will promise to you na wala ng magiging ibang babae bukod sa 'yo. Magbabago na ako. Just give me one last chance, and I'll change.”
Inabot ko ang helmet mula sa kamay niya. “Sasama ako sa 'yo pauwi pero hindi ibig sabihin no'n pumapayag na ako sa gusto mo. I know how persistent you are, sa bahay na tayo mag-usap.” Hindi ko na ito hinintay magsalita, umangkas na ako sa likuran niya matapos kong isuot ang gear sa ulo.
Wala kaming imikan buong byahe hanggang sa makarating kami sa bahay. Nauna na akong pumasok sa loob at hinayaan ko na itong iparada ang motorsiklo sa garahe.
Dumiretso ako sa kuwarto namin, pagbukas ko ng pinto ay unang tumama ang paningin ko sa kahon na nasa ilalim ng kama. I don't know what gotten to me and decided to check it. Kinuha ko iyon at binuksan para lang makita ang sobrang pamilyar na mga regalo.
“Bakit nandito ang mga 'to?” bulong ko sa sarili at sandaling nag-isip ng konklusyon. No, she can't be... Dali-dali akong tumayo at tinungo ang kabilang kuwarto. I open her closet just to see a few pair of shirts. Galing din ang mga ito sa akin.
My eyes started to get moist as I hug one of her shirt. Pumikit ako at ibinalik sa isip ang araw na kasama ko pa siya. I can't take it anymore, I still love her with the same intensity as before. Hindi ko kayang mawala siya ulit sa 'kin.
“Coleen.”
Nagpahid ako ng luha at kinuha ang naiwang mga damit mula sa kabinet. I took a deep breath at hinarap ang asawa ko. “Let's end everything tonight.”
Dumaan ang gulat sa mga mata nito. “Coleen... please wag naman ganito. Tell me, gusto mo pang ayusin natin 'to, 'di ba?”
Umiling ako. “I can't continue this anymore, George. I'm sorry.” I walked passed by him. Bumalik ako sa kuwarto at ipinasok ang mga damit sa loob ng kahon. Sunod kong kinuha ang mga damit ko sa kabinet at inilagay ang mga iyon sa loob ng bag.
“What are you doing?” Hinablot nito ang bag mula sa akin at marahas na ihinagis iyon sa sahig. “You're not going to leave me, Coleen! Hindi sa gan'tong paraan, please!” Nanghihinang niyakap ako nito nang mahigpit. “I can't lose you... I can't lose you, Col. We can still save this marriage, okay? Please just stay here with me, aayusin ko lahat. Promise, aayusin ko ang lahat.”
BINABASA MO ANG
Can't Be With You [COMPLETED]
Romance"If I can't have you, then let me protect you at least." Buong akala ni Gwen ay nakausad na siya sa dating nakarelasyon dahil tanggap na niya na ang kaniyang kapatid na ang bago nitong mahal. Ngunit nang matuklasan niyang nangangaliwa ang kaniyang K...