Chapter 50

261 8 0
                                    

GWEN

Kulang na lang ay masira ang cellphone sa higpit ng pagkakakapit ko rito. Katatawag ko lang kay Tito Rafael para sana tanungin kung nagkausap na ba sila ni Coleen dahil malakas ang pakiramdam ko na iyon ang dahilan kung bakit hindi ko siya ma-contact simula pa kahapon. Wala rin siya sa apartment niya. Pati na sa work.

What his father told me breaks my heart.

Sumama raw sa kaniya si Coleen sa LA.

Hindi ko alam kung anong iisipin ko. What is she doing there? Nasabi rin ni Tito Raf na matatagalan daw bago makabalik si Coleen dito sa Pilipinas. I can't help but overthink. It makes me anxious to think na baka hindi na siya bumalik pa.

“No!” tiim-bagang kong sambit bago dinayal ang numero niya. But again, it's unreachable. “Argh!” Sa inis ko ay hinagis ko ang cellphone sa kama. Wala na akong paki kung mabasag pa iyon. Naiinis ako!

I brushed my hair in frustration before I decided to go out and go home. Kailangan kong makausap si Kuya as soon as possible bago pa ako mawala sa sarili kaiisip.

Nakauwi ako sa bahay ng alas-kuwatro. Nothing's new, sobrang tahimik ng bahay. Nakatatak pa rin sa isip ko ang nangyari kahapon nang puntahan kami ng mga Kawasaki. Hanggang ngayon ay hinahanap pa rin sa akin ni Papa si Coleen. Kailangan daw nilang mag-usap tungkol sa hiwalayan nila ni Kuya. While Kuya George, he's been silent since yesterday.

“Gwen, akala ko ba doon ka sa apartment mo matutulog ngayon,” I heard Mama Grace's voice from behind. Without further ado, I closed our gap and hug her. Ramdam ko ang gulat nito. “Oh, ano na namang nangyari? Bakit ka naglalambing?”

“Iniwan niya ako ulit, Ma.” My eyes started to get wet. Hinigpitan ko ang yakap dito nang maramdaman kong babagsak na ang luha ko.

“Sino?”

“Si...” I stopped after I realized. “W-Wala pala. I'm okay, Ma.” Sabay pahid ko sa mga mata. Natawa ako nang pilit. “Sige po, akyat na muna ako.”

Paalis na sana ako nang sabihin niya ang pangalan na hindi maalis-alis sa isip ko. I was taken aback while I stare at her.

“Tama ako 'di ba? Si Coleen na naman itong iniiyakan mo?”

“Ma...” hindi ko alam ang sasabihin dito. Totoo nga na wala tayong maitatago sa mga magulang natin.

“Siya rin iyong iniyakan mo noon na nang-iwan sa 'yo, tama?”

Napakurap ako at napalunok, hindi maalis ang tingin ko rito. She's serious. “Paano n'yo po nalaman?”

“Halata naman sa kilos ninyo, Gwen. Kahit pa itago ninyo, hindi nagsisinungaling ang mga mata. Kitang-kita ko kung gaano siya kahalaga sa 'yo kapag tinitingnan mo siya. Gano'n din si Coleen kung paano ka niya tingnan.”

“Ma...” I hug her again and cry on her shoulder. Feeling ko sobrang safe ko ngayon. All this time, she knew everything. “I'm sorry kung hindi ko sinabi. Natakot po ako, kaming dalawa ni Coleen. Sorry po, Ma. Sorry po.”

“Shh, tahan na.” Ramdam ko ang marahan nitong haplos sa buhok likod ko habang magkayakap kaming dalawa. “Wala ka namang dapat ikatakot. Normal lang ang magmahal basta hindi ka nakakasakit ng iba at wala kayong nilolokong tao.”

Niloloko.

Pumasok sa isip ko iyong mga ginawa kong palusot sa kaniya. I dry my tears and sniffed. Humiwalay ako sa yakap at pinagmasdan ito. She's the most understanding person I've ever knew, sila ni Papa. Dapat lang na wala akong itago sa mga ito dahil naiintindihan naman nila, at alam kong iintindihin nila kahit na ano pa iyon.

Can't Be With You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon