Chapter 30

170 9 5
                                    

GWEN

Maaga akong nag-out sa trabaho at nagmadali talaga ako sa pagbiyahe. I took a cab instead of bus just for this night. Napagdesisyunan ko kasi na ngayon ko na kakausapin si Kuya. There's no point of keeping this whole freaking thing unsaid kaya kailangan ko na talaga siyang komprontahin!

Sa ngayon ay hinihintay ko itong umuwi habang nakaupo ako nang mag-isa sa sopa rito sa ibabang bahagi ng bahay. Dumaan na lang ang oras ng hapunan at nakauwi na lang lahat-lahat ang asawa niya pero siya wala pa rin. What took him so long? Pinuntahan pa ba niya iyong kinakawawa niyang babae? Damn him. Ang sabi ni Coleen isang buwan na raw noong huli siyang sinundo nito sa trabaho. Ngayon tuloy ay iniisip ko kung isang buwan na rin ba simula nang mag-umpisa siya pangangaliwa niya.

Walang hiya talaga! Nakakagigil.

Ilang minuto pa ang lumipas bago ako nakarinig ng kaluskos sa labas. I released a long sigh and straighten my body as I make myself calm. Hihintayin ko na lang siyang makapasok dahil alam kong ipaparada pa nito ang motor niya.

I sighed once again when I heard the creaking of the door. Pumasok ito at tila hindi pa ako nito napansin kaya tinawag ko na siya sa pangalan. Dahan-dahan itong tumigil sa paghakbang at pumihit para lingunin ako.

"Bakit?" walang gana nitong sambit.

"Iwan mo na ang asawa mo," kaswal kong utos dahilan para mangunot ang mga kilay niya. Pero imbes na magtanong ay napangisi pa ito sa sinabi ko. Hindi nagtagal ay tinawanan ako nito na parang hindi makapaniwala sa narinig niya.

Ngumiti siya at lumakad palapit sa kinatatayuan ko pero hindi nagpatinag at tinapatan ang tingin nitong nang-aasar. "Mahal ko si Coleen tapos iiwan ko dahil lang sinabi mo? What are you saying, Gwen?"

"You're cheating on her back," tiim-bagang kong sabi at lakas-loob na mas umabante sa kaniya. "Gawain ba ng isang matinong lalaki na lokohin ang asawa niya? Mahal mo pero niloloko mo? What kind of love is that, Kuya?" buong pagkasuya kong saad sa mismong tapat ng mukha niya.

"I don't know what you're saying, Sis. Ano bang mga bintang 'yan?" He chuckled.

Of course, he will deny it.

Pero mabuti na lang at naipasa sa akin ni Leah ang nakuha niyang mga litrato na alam kong magpapangatog ng mga tuhod niya. Inangat ko ang kamay ko at ipinakita sa harap niya ang gusto niyang ebedensiya.

"Bintang ba ang ganito? Halos magkainan na kayo ng mga labi, ah. Halata namang nag-enjoy ka kaya huwag mo ng itanggi." Sinuri ko pa ng tingin ang buong mukha nito. Doon ko lang nakita nang malapitan ang mga marka na nagsasabi na nanggaling siya roon kay Sheila. He has a fvcking love bites! Napakuyom ako ng kamao dahil sa gigil na sampalin siya nang malakas. "Magpapakita ka sa asawa mo nang ganiyan? May ikakapal pa ba 'yang buong pagmumukha mo? Mahiya ka naman kay Coleen!"

"Minimize your voice, Gwen!" naiinis niyang pabulong na singhal at mukhang wala ng masabi. Ni hindi ito makatingin nang matagal sa picture na pinapakita ko. "Sa'n nanggaling 'yan? It's edited, nagpauto ka naman."

"Walang edit diyan, Kuya. Nakita ko rin kayo sa restaurant at hinatid mo rin siya sa kanila. Stop denying the truth," mariin kong saad at nagpakawala nang marahas na pagbuga ng hangin. "Ayokong magkagulo kayo pero nasasaktan na ako para sa asawa mo. Quit on hurting her. Iwan mo siya o iwan mo na ang kabit mo."

"Ititigil ko ang lahat kung aalis ka rito sa bahay." Napakurap ako sa sinabi niyang iyon. What? Bakit ako? "Hindi ko masikmurang nandito ka at nakikita ni Coleen," dagdag wika niya pero hindi ko pa rin makuha ang punto niya sa sinasabi ko.

Napakunot ako ng noo. "What do you mean? I'm not doing anything to harm your wife," I reason out. May nagawa ba akong mali sa kanila kaya siya umaakto nang ganito? Wala naman, ah!

Can't Be With You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon