Chapter 38

173 7 1
                                    

GWEN

Nagising ako nang maga ang mga mata. Buong gabi kasi akong tulala habang may tumutulong luha sa mga mata ko. Last night, all I did was to think about our past relationship, noong masaya pa kaming dalawa ni Coleen at wala pang humahadlang. I can't help but reminisced. We're so happy back then.

Hindi ko naman kasi akalain na masasabi agad ni Kuya ang pagkakamali niya, kaya wala na akong oras pa para sulitin na makasama siya rito sa bahay. Dahil gaya ng napag-usapan namin, kailangan kong umalis kapalit ng pag-amin niya.

Gustuhin ko mang iparamdam na mahal ko pa rin siya, paulit-ulit lang na bumabalik sa isip ko ang sinabi niya.

I'm happy with your brother.

Sino ako para hadlangan 'yon? I'm just her sister-in-law anyway. Wala akong laban. Ayoko rin maging kabit. Kaya mas mabuti nang umalis na lang ako, so that I can finally move forward and forget her.

Mabigat ang paa na bumangon ako sa kama at dumiretso sa banyo para maligo. Hindi ko na dapat pa ipinatatagal ang pag-usad, kailangan ko nang lisanin ang lugar na 'to habang maaga pa. Habang kaya ko pang umalis at hindi niya naitatanong kung bakit, dahil baka kapag nag-usisa siya, hindi ko na gustuhing lumayo.

Matapos kong makapagbihis ay hinanda ko na ang mga dadalhin kong gamit sa isang maleta, binihisan ko rin si Hannie ng bagong damit dahil nagpasya akong isama ito sa akin. Pagkatapos, umupo ako sa kama at pinagmasdan ang kuwarto. Pati rito ay nakikita ko ang imahe niya. I remember... she used to sleep here in my bed when she wanted to stay the night, she used to sit in my study table and had a cup of coffee, she used to sing me a song every afternoon, and she used to kiss me after saying 'I love you' before she leave.

“I miss you, Honey.” Ramdam ko ang tumulong luha sa pisngi ko. Hindi ko na iyon pinunasan dahil wala rin namang nakakakita. Nagpapakatotoo lang naman ako sa sarili ko, I'm crying because I badly miss her.

Nasa kabilang kuwarto lang siya pero sobrang layo niyang abutin. And it's because she belongs to somebody else now.

Should I abolish everything that reminds me of her? Para makalimot na talaga ako nang tuluyan. Lumakad ako sa kabinet at binuksan ang drawer nito. Nandito nakalagay iyong mga damit na itinatago ko, mga damit na galing sa kaniya na inihinto ko ng suotin mula noong bumalik siya at nalaman kong may relasyon sila ni Kuya. I remember that day, I almost threw these shirts because I think that it will be awkward if she sees me still wearing those. Bilang respeto na rin sa kapatid ko, itinago ko na lang.

Noon, hindi ko alam kung bakit itinatago ko pa rin lahat ng mga bagay na galing sa kaniya. Ngayon alam ko na kung bakit. Kasi sa mga ito ko na lang nabubuhay lahat ng alaala namin. Na kapag tinitingnan ko ang mga ito, nagpa-flashback sa akin ang lahat ng masasayang bagay. The memories that's too previous to be put on a trash. Hindi ko kayang i-let go dahil parang kalahati ng buhay ko ang mawawala. I keep saying that I already moved on, pero ang totoo ay nakakapit pa rin pala ako sa kaniya. Naghihintay. Umaaasa. At nagpapakatanga.

Hindi ko na ide-deny nang paulit-ulit, I still love her. Wala palang nagbago sa pagmamahal ko sa kaniya hanggang ngayon. Kahit pa noong iniwan niya ako, hindi nagparamdam nang isang taon, at ipinagpalit sa iba, siya pa rin pala hanggang ngayon.

Ang tanga, oo.

Pero may hangganan ang katangahan at ngayon na 'yon. I promise to Leah na magiging maayos na ako pagbalik niya, and I will do that. I've now decided.

Inabot ko ang kahon sa ilalim ng kama. It's time to let go of everything that reminds me of her. Lumakad akong muli sa kabinet at binuksan ang ikalawang drawer nito. Kinuha ko ang lahat ng bagay na makikita kong nanggaling sa kaniya: bracelets, necklaces, letters, books, and laminated dried flowers.

Can't Be With You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon