Can't Be With You

1K 15 0
                                    

P R O L O G U E

×××

"I saw you kiss her!"

I was startled by his sudden outburst. Bumagsak ang lahat ng galit ko nang isigaw niya ang limang salita na iyon.

Ano? I kissed his wife? Kailan ko 'yon ginawa?

I don't remember kissing her wife. She's already off-limits so why would I do that?

"Kitang-kita ko, Gwen. Rinig ko rin ang lahat ng mga pinagsasabi mo noong gabi na 'yon. She agreed to marry me and yet I feel so incomplete. Bakit kaya siya ganoon? Naapektuhan ba siya sa ginawa mo?" Hindi pa rin ako umimik at hinayaan ko lang itong magsalita. "And yes, I'm seeing Sheila. Bakit? Because I do to her what I can't have with Coleen."

"Kailan ko siya hinalikan?" I asked out of confusion. Hindi ko na alam ang gagawin ko, may karapatan pa ba akong magalit sa kaniya kung may mali rin pala ako? Parang gusto ko na lang magpakain sa lupa bago ko muling sinalubong ang tingin ni Kuya. "Ba't 'di mo sinabi sa 'kin kaagad para hindi mo na 'to nagawa? Kailan ka pa ba nagloloko sa kaniya? Is it really your reason to cheat?"

"The day you get drunk."

Napatitig ako sa mukha niya habang inaalala ko ang araw na uminom ako at nalasing. Mabilis na umurong ang lahat ng guilt sa loob ko nang mapagtantong iisang beses lang naman ako na nalasing simula nang maikasal sila.

"Sandali nga." Hindi nakaligtas sa mata ko ang pagdaan ng kaba sa mukha niya. "As far as I remember, nalasing lang ako noong inaya kami ni Leah. That was the day I saw you with Sheila inside the restaurant. Tell me, is it because of the kiss or dahil hindi ka lang talaga niya pinapayagan sa gusto mo? Seriously, just because she don't want to give her body to you? Ang babaw mo naman para maghanap ng iba, Kuya."

"Huwag mo ngang tinatawag na lang ang problema ko. It's a big deal for a guy like me! Hindi mo maintindihan dahil babae ka. And also, hindi ko pa rin masikmura iyong ginawa mong paghalik sa asawa ko. Hindi lang kita kinokonpronta tungkol do'n dahil alam kong mag-aaway lang tayo. Pero hindi pa rin tama na hinalikan mo siya at sinabi 'yang peste mong nararamdaman! Kung lesbiana ka, huwag mo na siyang idamay dahil nakakadiri kung papatulan ka ni Coleen."

Sa dami ng sinabi niya ay ang tanging nagawa ko lang ay ikuyom ang kamao ko sa pagpipigil na saktan na siya. Darn it. Damn him!

"Are you going to punch me? Sige!" panghihimok nito pero hindi ko siya pinakinggan.

"Hindi ako gagawa ng gulo rito at baka magising pa sina Papa. The only thing I want to happen here is to open your mind and teach you be a good husband. Iyon lang ang gusto kong pag-usapan natin, pero ang dami mo na agad sinabi at kung ano-ano na 'yang lumabas sa bibig mo. You even discriminate me right to my face? That's unacceptable, Kuya. And please stop the allegations that I did that to your wife because I can't even recall it." Napabuga ako sa hangin para pakalmahin at ibalik sa kalmado ang boses ko. "Sinabi mo na rin na lasing ako no'n kaya hindi ko alam ang ginagawa ko. I'm sorry if I kissed her and you hear things you shouldn't heard. Let's just end this, can we? Ayusin mo na lang 'yang gulo na pinasok mo. I don't care what's your freaking reason anymore, but just end it with Sheila as soon as possible. Pagkatapos no'n umamin ka sa asawa mo na ginago mo siya, at baka 'pag nagawa mo na 'yon ay umalis na rin ako rito gaya ng gusto mo."

"I can't do that," tanging nasabi nito na nagpawala ng gana ko na kausapin siya. Ang haba ng sinabi ko pero matigas pa rin siya para tutulan ang kondisyon ko.

I released a deep sigh. Humakbang ako paabante at doon ako pumwesto sa kaniyang gilid. "Face your consequence and be a man, dahil hindi rin ako papayag na umalis dito kung hindi ka aamin," seryosong sambit ko na ikinakuyom ng kamao niya.

Isang ngisi ang ipinakita ko sa kaniya bago ko ito nilagpasan at umakyat na para magpahinga sa sarili kong kuwarto.

I can't tolerate his shits. Knowing that Coleen is being cheated on, it's not okay for me.

Can't Be With You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon