Chapter 07

244 9 0
                                    

COLEEN

"Iha, nasaan ang asawa mo?"

Mula sa libro ay umangat ang tingin ko nang marinig ang tanong na iyon ni Tito Gregory. His face was always like this, fierce and passive, whenever he's talking with me parang hindi niya ako lagi gustong makita. Mas gusto ko pa rin talagang makausap si Tita Grace kaysa sa kanya.

I smile warmly at him before answering, "Nagw-work out po siya sa taas, Dad." George is always doing that every morning. Palagi akong bumababa dahil naiinitan ako sa itsura niya kapag pinagpapawisan. I don't know why but I really don't want to see him without a shirt.

Sandaling napangiti sa sagot ko si Tito at saka ito umalis para kumain yata ng agahan sa hapag. Tita Grace was there too, sitting on the round table. Pati na si Gwen ay naroon din, kasama ang unfamiliar girl na nag-doorbell kani-kanina lang. It's not Leah, nor Venus. Ang alam ko tinawag siyang Jean ni Gwen pagkakita rito kanina. So definitely, iyon ang pangalan niya.

Hindi ko alam na player na pala ngayon ang kapatid ni George. Kahapon lang kasi ay si Leah ang nandito sa bahay. Natulog pa nga sa kuwarto niya, kumain ng breakfast, at naligo. Sabay pa silang umalis para pumasok sa trabaho.

Napapailing akong bumalik sa pagbabasa. But now that I think of that coward girl again. Hindi na ako makapagbasa pa nang maayos!

Inis akong tumungo sa dining at agad na hinanap ng mga mata ko si Gwen. She's there, laughing with her parents and her fling-slash-friend na katabi niya. Psh! Sinisira nilang dalawa ang araw ko.

Huminto ang paningin ko kay Tito Gregory habang lumalapit sa isang upuan. He looks happy now. May favoritism bang nagaganap sa bahay na 'to? Parang kanina lang ang sungit ng boses niya sa akin. Tapos ngayon, tumatawa siya habang kausap ang Jean na 'yan.

Lumunok ako nang malaki bago naupo sa gitna nina Tita Grace at Gwen. I then fake my smile at Jean nang tumama ang tingin nito sa akin.

Ngumiti rin ito sa akin at kumaway pa. "Hi, good morning. You must be, Coleen, right?." So she know me. Baka si Gwen ang nagsabi sa kanya ng pangalan ko. Tumango ako pero hindi ko nagustuhan ang sunod na sinabi nito, "Gwen's sister-in-law and college old friend."

I force myself to nod at her. "Yes, that's right." Napatingin ako sa kaliwa ko kung saan nakaupo si Gwen. "You supposed to be in the company right now, 'di ba?" tanong ko sa kanya kahit na hindi siya nakatingin.

"Uh, yes. Actually, we are working in the same company. Ako 'yung maghahatid sa kanya, medyo late na nga kami, eh."

I mentally rolled my eyes nang si Jean ang sumagot sa tanong ko na dapat ay si Gwen ang sasagot. I cleared my throat at sadyang iningayan ang pag-urong ng upuan. And there, I easily got their attention. Including her.

"Uh, sorry." Ngumiti ako nang kaunti sa kanila. Nagkibit-balikat lang si Tito, habang nginitian din ako ni Tita at nung dalawa. "Makiki-abot ng kanin," pakikisuyo ko at direktang tiningnan si Jean na siyang katabi ni Gwen. Inabot naman niya ang hinihingi ko sa akin. "Thanks. What's your name again?" I asked her like I didn't know.

Duh. It's Jean.

"My name is Jean Malinday. It was nice to finally meet you, Coleen." She looks so innocent when she smiles. Her voice is too feminine, as well as her taste in fashion.

Jean screams sweet for me. But Malinday? Mas maganda pa rin pakinggan ang Suarez kung sabay na bibigkasin. I don't think if she knew about me and Gwen's past. Because she only mentioned about me being an in-law and old friend of her workmate.

But wait. Do workmates fetching each other from home? Of course not. Definitely, they aren't just workmates. So, bukod sa pareho silang tao. Ano sila?

Are they girlfriends?

Maybe No. Maybe Yes. Pero kung titingnan ang pakikitungo rito ni Gwen, I don't think they really a couple. She looked too distant with this girl kasi. Kanina nga ay mukhang nagulat pa ito nang makita siya sa gate. Halatang hindi inaasahan ang pagdating nito. I even saw how Gwen flinched when Jean hugged her from behind.

"It's not what you think, Coleen."

My forehead puckered as I turned my head to my left. Hindi ito nakatingin sa akin pero ako ang kinakausap. Halos pabulong na rin ang pagkakasabi niya no'n. Even her eyes were focus at them but me. Ayaw niya bang ipaalam sa lahat ng nandito na kinakausap niya ako?

Hindi ko siya sinagot at nag-umpisa nalang akong kumain. Ang balak ko sana ay mamaya pa ako magb-breakfast. But my mood in reading a book already ruined. Kaya rin ako umupo rito para makita ko ang mga nangyayari. Isa pa, mas lalong ayoko ang magpaka-loner sa salas. So it's better to be here.

"Good morning, everyone!"

Our attention headed to the dining entrance. Naroon ang panganay na anak ng mga Montances, nakangiti ito habang papalapit sa akin. I smile at him after he kissed my left cheek. Nang tumama naman ang paningin nito sa bisita ni Gwen ay nangunot ang kilay niyang tumingin sa akin.

"Katrabaho siya ng kapatid mo, her name is Jean," sagot ko at akmang tatayo na para ibigay sa kanya ang upuan na inuupuan ko. Pero kaagad din akong napahinto nang marinig ang pag-urong ng upuan ni Gwen sa gilid ko.

She look at me first before turning her gaze to his brother, George.

"Dito ka na maupo, Kuya." She pointed her seat beside me. Pagkatapos ay tinungo niya ang puwesto nina Tito at Tita para humalik sa mga pisngi nito. "Mauna na kami sa inyo, ah. Jean, let's go." Nagpatiuna na itong lumabas at nagmamadali namang sumunod sa kanya si Jean.

"Parang nagmamadali yata sila?" komento ni George matapos nitong makaupo sa tabi ko.

"Mahuhuli na kasi ang dalawang 'yun sa trabaho, anak."

Napatango nalang ako sa sagot na iyon ni Tita Grace. Pero alam kong hindi iyon sa nagmamadali sila.

Hindi yata nila naramdaman ang uneasiness ni Gwen nang makita si George. Am I the only one who left dumbfounded?

Can't Be With You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon