“O, ayan. Tapos na," ang sabi ni Mika, ang bagong stylist niya, nang natapos na nitong ayusin ang buhok niya.
Nasa dressing room pa siya at tapos na ang production number niya para sa ASAP. Inaayusan lang siya ni Mika dahil haharap pa siya sa mga fans nila ni Aaliyah na nasa labas lang ng studio ng ASAP.
"Thanks, Mika," pagpapasalamat niya dito.
"No problem," nakangiting sagot nito. "Wait lang at liligpitin ko lang ang mga gamit ko."
Hindi na nito hinintay ang sagot niya at lumabas na ng dressing room para siguro kunin lahat ng mga gamit nito. Napatingin naman siya kay Mark na nasa loob lang din ng dressing room at nakaupo sa isang silya pa doon.
"May balita ka na?" tanong niya dito.
"Wala pa nga, eh. Pumunta na ako sa apartment niya, pero wala siya doon. Iyong kaibigan lang niya ang nandoon," sagot ni Mark sa kanya.
"Si Stefani?"
"Yeah. Tinanong ko siya kung alam ba niya kung nasaan si Danna, pero hindi daw niya alam, eh. But I doubt. I'm sure, alam niya pero ayaw lang niyang ipaalam."
Napabuntong-hininga siya. Ilang araw na niyang pinapahanap si Danna pero hindi niya ito mahanap. Simula kasi noong nangyari sa Palawan, hindi na niya ito nakita. Kahit nagbago na ang nararamdaman niya para dito, hindi pa rin naman mawala sa kanya ang pag-aalala dito. Naging kaibigan din naman niya ito kahit papaano.
"Huwag kang mag-alala, DJ. Mahahanap rin natin siya," pampalubag-loob ni Mark sa kanya.
"Hindi ko lang maiwasang hindi mag-alala. Feeling ko kasi, ako ang may kasalanan kung bakit nawawala ngayon si Danna. Nagi-guilty ako."
"Hindi mo kasalanan kung iba na ang tinitibok ng puso mo. Hindi mo kasalanan na si Kath na ang idinidikta niyan. Hindi natin kontrol ang dikta ng mga puso natin. Kaya wala kang kasalanan."
"Hindi pa rin, eh. Guilty pa rin ako. Sana sinabi ko sa kanya sa mas malinaw at mas magandang paraan."
BINABASA MO ANG
If Only
FanfictionDaniel Padilla and Kathryn Bernardo's loveteam is one of the hottest loveteam in the country. Hindi mapagkakaila ang on and off-screen chemistry ng dalawa. And when Daniel Padilla professed her admiration towards his partner, Kathryn Bernardo, mas t...
