"Kats, what's happening?"
"Oo nga. Bakit tayo tumigil?"
Biglang napatampal sa noo si Katsumi. Sabay lingon sa kanya na laglag ang balikat. "Tss. Kath, I'm really sorry. But I think naubusan na tayo ng gas."
"Katsumi talaga!"
"Pare, ang bobo mo!"
Puros batok ang naabutan nito galing sa mga kaibigan nito.
"Ano ba ang nasa utak mo't hindi mo napansing paubos na ang gas tank?" tanong ni Seth dito.
"Sa lahat pa ng panahon ng katangahan mo Katsumi Kabe, ngayon pa talaga lumala," wika pa ni Lester.
Napatingin siya sa relos niya. Maabutan pa kaya niya si Daniel sa airport?
"Anong oras nga ang flight schedule ninyo?" tanong niya sa mga ito.
Napatingin din sa relos si Lester. "May half hour pa tayo, Kath." At napatingin naman ito sa daan. "Maaabutan pa natin siya."
Napatingin siya sa paligid. How? Nasa Makati area pa sila. Hindi siya sigurado kung maaabutan pa nila si Daniel. "I don't think - "
"Kath, don't worry. Kami ang bahala sa iyo."
Saka ang mga ito lumabas ng sasakyan. Nagulat naman siya dahil doon, kaya ay lumabas rin siya ng sasakyan. Nakita niyang tumawid ang mga ito sa kabilang daan kung saan may naka-park na motorsiklo. Kinausap nila ang lalaking naka-helmet na sa tantiya niya ay ang may-ari ng motorsiklo. Pagkatapos ay nakita niyang hinubad nito ang helmet at ibinigay kay Lester. Saka naman isinuot ni Lester ang helmet at sumampa sa likod ng motorsiklo.
Pinaandar ni Lester ang motorsiklo at mabilis na pinaharurot iyon.
BINABASA MO ANG
If Only
FanfictionDaniel Padilla and Kathryn Bernardo's loveteam is one of the hottest loveteam in the country. Hindi mapagkakaila ang on and off-screen chemistry ng dalawa. And when Daniel Padilla professed her admiration towards his partner, Kathryn Bernardo, mas t...