Guys, mahalagang anunsiyo lang po! :)
I have made up my mind. Although mas marami pong may gusto ng book 2, but I have decided to end the story with this book. Hindi na po ako gagawa ng book 2. Just let me state my reasons why.
First, alam kong sa story na ito, marami na po talagang pinagdaanan ang mga characters. Marami nang heartbreaks, twists, and complications ang story. I'm sure, nagsasawa na rin kayong magbasa ng mga masasakit na mga eksena. If I make a book 2, another set na naman ng mga pasakit ang gagawin ko, at babasahin ninyo. So I'd rather not, kasi ayokong gawing mas komplikado ang storya at ang mga characters.
Second, the essence of the story will be lost kung gagawa pa ako ng book 2. Kasi kung may book 2 na, iba na ang magiging plot ng story. So, I'll just end this story with this book, and with this plot.
Third, sobrang busy ko po kasi. Ayoko kasing paasahin kayo sa mga updates kong matagal kong nagagawa dahil sa kabusyhan ko. And speaking of which, talagang sobrang pasensiya na po sa mga matatagal kong updates. Na-caught up lang po sa trabaho. Usually kasi, gabi na akong makauwi galing ng work. Kahit na malapit lang sa bahay namin ang office ko, still, madalas kasi akong mag-overtime because I work in a bank. Hindi ko na nga minsan naaabutan ang "Got to Believe" eh. Nakakainis lang. :)) At tsaka, pagdating ko na rin ng bahay, sobrang pagod na sa work, so diretso tulog na ako. Kaya pasensiya na po talaga.
Fourth, hindi rin po kasi ako komportableng gumawa ng book 2. As you may all notice, lahat ng stories ko, talagang nage-end sa happily ever after. Ayoko nang dugtungan pa ang masayang love story ng characters. Ganoon po ang mga stories na ginagawa ko. Wala pong book 2 lahat. But rest assured, kung matatapos na ang storyang ito, tatapusin ko po ang ibang story ko, at gagawa pa ako ng maraming KathNiel stories.
Fifth and last, personally, I just really want to end this story with a happy ever after. Gusto ko na ring tapusin lahat ng masasakit na pinagdadaanan ni Kath. HAHA. But yeah, I want to end this story kasi marami pang stories ang nai-imagine ng utak ko. Kaya ganoon.
Sana po maintindihan ninyo lahat. Iyon lang po! :D
Anyways, kung may mga requests kayo, huwag kayong magdalawang-isip na sabihin sa akin. I'll reply as soon as possible at sa makakaya ko. Titingnan natin ang mga requests ninyo.
Iyon lang po! Sige, maghintay nalang po kayo ng update ko ngayong gabi. Iyon lang. Babush!! :D
BINABASA MO ANG
If Only
Fiksi PenggemarDaniel Padilla and Kathryn Bernardo's loveteam is one of the hottest loveteam in the country. Hindi mapagkakaila ang on and off-screen chemistry ng dalawa. And when Daniel Padilla professed her admiration towards his partner, Kathryn Bernardo, mas t...