Chapter 25

28.9K 310 32
                                        

"DJ, tama na iyan. Nakakarami ka na," narinig niyang sabi ni Mark sa kanya.

Kahit na pang-ilang beses na siyang sinaway ni Mark, nilagok niya pa rin ang baso ng alak saka ay humingi na naman ng isa sa bartender na nagse-serve doon. Nasa isang exclusive bar sila ngayon. Siya nga lang dapat ang nandoon at nagpapakalasing. Pero pinuntahan naman siya doon ni Mark nang malaman nitong nandoon siya.

Muli, napatingin siya sa bagong serve na baso ng alak na ibinigay ng bartender saka ay nilagok agad iyon.

"Pang-ilang baso na niya iyon, pare?" tanong ni Mark sa bartender.

"Hindi ko na mabilang, Sir eh. Marami-rami na rin," sagot naman ng bartender dito.

Naramdaman niyang hinawakan ni Mark ang balikat niya. "DJ, tama na iyan. Lasing ka na."

Umiling-iling siya. "Wala akong pakialam."

Iyon naman talaga ang gusto niyang gawin... ang magpakalasing. Para makalimutan niya ang masakit na nangyari sa kanila ni Kath nang nagkausap sila sa roofdeck. Hindi siya makapaniwalang tuluyan na nga itong aalis... na tuluyan na siya nitong iiwan.

Tinawag na naman niya ang bartender at humingi pa ng isang bote. Mukhang nag-aalangan na rin ang bartender kung bibigyan pa rin siya. Pero natakot yata ito sa kanya dahil sa huli, binigyan pa rin siya nito ng alak.

"DJ, tama na."

Napatingin siya kay Mark. Alam niyang nag-aalala lang ito sa kanya. Napangiti siya ng mapait. Saka lang nilagok uli ang bote ng alak.

"That's it. You're through. Halika na," ani Mark habang hila-hila siya palabas ng bar. Pilit na nilalabanan niya ito pero mukhang lasing na talaga siya dahil wala na siyang sapat na lakas para lumaban.

Nang nakalabas na sila ng bar ay doon lang siya nito pinakawalan.

"Ano ba ang problema mo, ha? Ba't mo ba ako pinapakialaman?" galit na wika niya.

If OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon