Chapter 11

29.3K 305 33
                                    

Masama ang pakiramdam ni Kathryn nang bumangon siya ng kama kinaumagahan. Kahit na pagod na pagod ang nararamdaman niya sa katawan niya ay pinilit niya pa ring bumangon para magtrabaho. Gusto rin niyang makita si Daniel at kausapin ito.

Nang nakabihis na siya ay dali-dali siyang bumaba sa kusina kung saan natagpuan niya ang kanyang mama na naghahanda ng breakfast at baong dadalhin niya para mamaya sa taping at workshop niya.

"Anak, ipinagluto kita ng paborito mong sausage," sabi ng mama niya nang nakita siyang papasok ng kusina.

She just nodded. Pagkatapos ay naupo siya sa dining table at nakapanglumbaba.

Kumunot naman ang noo ng mama niya nang nakita ang ayos niya. "Kath? Okay ka lang ba?"

Dahan-dahan siyang tumango.

"You don't look okay, anak."

"Hindi, Ma. Pagod lang po. Hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi," sagot niya dito.

"Iniisip mo ba iyong issue na kinasasangkutan ni Daniel?"

Natahimik lang siya.

"Anak..."

"Ma, alam ko po. Huwag akong mag-alala dahil hindi ko pa alam ang buong storya blah blah. Pero hindi ko po maiwasang masaktan, eh."

Napabuntong-hininga ang mama niya saka ay umupo sa tabi niya. "Kath, sabihin mo nga sa akin ang totoo. Ba't ka ba nasasaktan?"

Napatingin siya sa mama niya. Hindi pa nito alam na may espesyal siyang pagtingin para kay Daniel. Alam nitong nagpapanggap lang silang dalawa ni Daniel na may namumuong espesyal na pagtinginan sila sa isa'-isa. Ang alam lang nito ay nagpapanggap lang siya. Hindi nito alam na totoo na iyong pinapakita niya.

"Nasasaktan ka ba dahil natatakot kang maaapektuhan ng issue na ito ang loveteam ninyo ni DJ? Or nasasaktan ka dahil mahal mo siya?"

If OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon