Pasulyap na tiningnan ni Daniel si Danna at lihim na napabuntong-hininga. Hindi malaman ni Daniel kung anong gagawin ngayong nandito si Danna sa kanyang harapan presenting herself as his stylist. Nakaupo ito sa sofa habang siya naman ay nakaupo sa isang silya na nakaharap dito. Nakatayo naman si Mark habang nakaharap dito.
"Anong gusto mong mangyari, Danna?" tanong ni Mark dito.
Danna unbelievably looked at Mark. "What? So you think that I'm up to something kaya ko kinuha ang trabahong ito?"
"Wala na akong mahanap na ibang dahilan," sagot ni Mark dito.
Nakarehistro ang inis sa mukha nito. "You're unbelievable."
"Unbelievable? Look who's talking," sarkastikong sabi ni Mark.
Akmang sasagot pa si Danna dito pero pinigilan na niya ito.
"Enough," saway niya sa dalawa. Binalingan niya si Mark. "Pare, pwede bang iwan mo muna kami? kailangan naming mag-usap."
"But DJ - "
"Please lang," pagputol niya sa sasabihin nito.
Hindi man nito gusto pero pinagbigyan naman siya nito. Tahimik na lumabas ito ng dressing room. Pagkalabas nito ay saka lang niya hinarap si Danna.
"What? Iniisip mo rin ba na may masama akong balak kaya ako pumayag maging stylist mo?" inis na tanong ni Danna sa kanya.
"Danna - "
"O, sige. Ang totoo? Oo, pumayag akong maging stylist mo dahil gusto kong makasama kita. Gusto kong makita ka't marinig ang boses mo. Masama na ba iyon?"
"Wala naman akong sinasabing ganoon," wika niya.
"Eh, kung makapagbintang si Mark parang ang laking kasalanan na na nandito ako, eh."
![](https://img.wattpad.com/cover/2384406-288-k301854.jpg)
BINABASA MO ANG
If Only
Hayran KurguDaniel Padilla and Kathryn Bernardo's loveteam is one of the hottest loveteam in the country. Hindi mapagkakaila ang on and off-screen chemistry ng dalawa. And when Daniel Padilla professed her admiration towards his partner, Kathryn Bernardo, mas t...