Chapter 68

14.6K 254 16
                                        

"And cut!"

Napalingon nalang si Daniel sa mga kaibigan niyang nakatayo na malapit sa pintuan.

"Wooh! Heavy, pare. I didn't know you could pull off something like that."

Pumalakpak pa si Katsumi. "Ikaw na, Daniel Padilla. It's you already!"

"Kuya, pang- "Best Actor" sa FAMAS na yata iyong iyak mo kanina," tawa pa ni JC.

Mas lalong lumalim ang kunot niya sa noo. "What the hell is this?"

Naramdaman niya ang mahinang pagpitik sa kanyang braso. Napalingon naman siya kay Kath.

Naka-plaster sa mukha nito ang napakalaking ngiti. "Um... surprise?"

"What the - so hindi totoong naaksidente ka?" nalilitong tanong niya dito.

Umiling ito. "No. We just made that up."

Agad na naningkit ang mga matang nilingon niya ang mga kaibigan.

"Sino sa inyo ang may pakana nito? Ha?"

Pare-parehong nanlaki ang mga mata nilang lahat at sabay-sabay na itinuro si JC.

"Uy, bakit ako?" inosenteng tanong ng nakababatang kapatid niya sa mga kaibigan niya.

"Eh ikaw naman talaga ang naka-isip nang lahat nang ito," paratang pa ni Katsumi kay JC.

"Hey, kayo ang nagsabi sa akin na gumawa ng paraan para huwag umalis si kuya," depensa naman ni JC. "And besides, hindi naman talaga ako ang naka-isip nito. It was Dominic."

"Dominic?" Lumalim ulit ang kunot niya sa noo.

If OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon