Chapter 20

29.4K 348 60
                                        

"Kath? Are you okay?" 

Napatingin si Kath kay Vicky na halos kasabay lang niya sa paglalakad. Nauna lang ito ng kaunti kumpara sa kanya. 

Mahinang tumango lang siya dito.

 "Are you sure?" paniguradong tanong nito.

"Yeah. I'm fine," simpleng sagot lang niya dito.

Kahit mukhang hindi pa ito masyadong kumbinsido ito sa sagot niya ay tumango lang ito. Nagpatiuna lang ito sa paglalakad kaya ay nahuli na siya dito. Nakarating na sila sa Ursula Island, pero they still had to walk miles para marating nila ang napiling location ng team. Nagpapasalamat siya at hindi masyadong mainit ang araw. Kundi ay alam niyang manggigitata lang siya sa init. But then, malaking tulong na rin sa kanya ang morena niyang balat. Dahil dito kaya hindi masyadong mamumula ang balat niya sa init.

Nang makaramdam na siya ng pagod ay tumigil muna siya sa paglalakad. She had to catch her breath. Athletic naman siya and her body is already immuned to those kinds of activities. Pero dahil din siguro sa dami ng iniisip niya, feeling niya ay drained na drained na siya. Both physically and emotionally.

"Okay ka lang, teh?" narinig niya ang tanong ni Mike sa kanya.

Tumango lang siya dito. Napapagod na siyang magsalita.

"Parang bumabagal ka na yata, ah," anito pa. 

Kanina kasi, mas nauuna pa talaga siya dito. Mabagal kasi ang lakad nito kaya naman mas nauuna pa siya dito. Pero mukhang pagod na nga talaga siya dahil bumabagal na ang paglalakad niya.

"You want help?" tanong nito.

Umiling siya dito. "No. I'm fine."

Kumunot naman ang noo nito. "Is something wrong with you? Parang matamlay ka yata?"

"No. I'm just tired. I'm fine," sagot niya.

"Gusto mong magpatulong sa mga kasamahan natin? Mukhang kailangang-kailangan mo ng tulong, eh."

"Huwag na. Malaking abala na iyon."

Nag-isip ito saglit bago tumango. "Hmm. Sige. Sasamahan nalang kita."

Napangiti lang siya dito. Kaya ang ending, magkasama nalang silang naglakad ni Mike. 

__________

Pagod na si Daniel. Don't get him wrong, sanay na ang katawan niya sa mga ganoong uri ng activities. He goes to the gym often to work his body up. He is also active in different kinds of sports like swimming, surfing, trekking, mountain climbing and many more. Trained na ang katawan niya sa mahahabang hiking na katulad niyon. Still, hindi niya pa rin maiwasang makadama ng pagod.

If OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon