Chapter 65

14.2K 221 18
                                    

Isang linggo na ang lumipas. Isang linggo na ang lumipas simula nang huling pag-uusap nila ni Daniel. Pero sa isang linggong iyon, nananatiling sariwa pa rin ang sakit na nararamdaman niya. Nananatiling sariwa pa sa isip niya kung paano kadaling iwan nalang siya ni Daniel nang ganoon-ganoon na lang.

Napatitig siya sa kisame. Sa isang linggong iyon, wala na siyang ginawa kundi ang magkulong sa kwarto niya. Wala na siyang ginawa kundi ang magmukmok at umiyak. Kailan kaya siya titigil sa kahibangan niya? Kailan kaya siya mapapagod sa mga pinaggagawa niya? Alam niyang marami na ring taong nagmamahal sa kanya ang naaapektuhan dahil sa sa kahibangan niya. Kaya alam niyang kailangang matuto na siyang bumangon at mag-move on.

She know she have to move on soon. Dahil iyon naman ang gusto ni Daniel, hindi ba? Ang mag-move on na siya at kalimutan na ito. Kalimutan na ang pagmamahalan nilang dalawa. Kaya niya ba?

Napatulo na naman ang luha niya sa pisngi.

Damn it. Inis na pinahid niya ang luha mula sa pisngi. Hindi ba't nangako na siyang hindi na siya iiyak pa? Magmu-move on na siya. Hindi na siya iiyak. Kakalimutan na niya si Daniel. Kakalimutan na niyang minahal niya ito. Kakalimutan na rin niyang ito lang ang lalaking nakakapagpatibok ng puso niya. Kakalimutan niyang ito lang ang lalaking mamahalin niya panghabang-buhay.

Damn it! Stop it, Kathryn! Stop it! Pinapahirapan mo lang ang sarili mo, eh.

Tama. Dapat ay makalimutan na talaga niya si Daniel. Tama. She will move on. But how?

"Kath?"

Narinig niyang may kumatok sa kanyang pintuan. Napatayo siya mula sa pagkakahiga, saka ay inayos ang sarili.

"Pasok."

Laking gulat nalang niya nang makilala kung sino ang mga panauhin niya.

"Hi Kath!"

"What - what are you doing here?" gulat na tanong niya sa mga bisita.

"May we talk to you?"

If OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon