Naiwan si Kath sa tent ni Daniel. Pagkatapos siyang ihatid nito doon ay nagpaalam agad itong aalis na dahil nagtatawag na ang direktor nito para sa blocking ng scene ng mga ito. Gusto nga sana niyang tingnan ang shooting ng mga ito pero pinigilan niya ang sarili niya. Baka kasi maka-istorbo pa siya sa mga ito habang nagsu-shooting ang mga ito. Ayaw naman niyang mangyari iyon.
"Hi, Kath!" bati sa kanya ni Mark nang pumasok ito sa tent ni Daniel.
"Hi, kuya Mark!"
"Pinapapunta ako ni DJ dito," imporma nito.
"Ha? Bakit daw?"
"Wala lang. He asked me to check on you. Baka may kailangan ka daw."
Napangiti siya. Concerned siya sa akin. Shems!!
"Hey, I don't know kung ano nang namamagitan sa inyong dalawa ni DJ ngayon. Pero whatever it is, alam mo namang suportado ako sa inyong dalawa," sabi nito.
Alam naman niyang suportadong-suportado si Mark sa kanila ni Daniel. Dahil noong mga panahong nasasaktan siya dahil dito, isa na si Mark sa mga taong dinadamayan siya't hindi siya iniwan.
"Pero paalala ko lang ito sa iyo, Kath ha. Sana... ingatan mo pa rin ang puso mo. Baka masaktan ka na naman niya, eh."
Dahil sa sinabi nito, parang bigla siyang nabuhusan ng malamig na tubig. Tama nga naman ito. Whatever's happening with her and Daniel, wala siyang kasiguraduhan kung bakit ginagawa nito iyon. At dahil lang sa nakaraang gabi ay parang nakalimutan na yata niya ang pag-iingat niya sa puso niya.
Hindi ba't lumalayo na nga siya dito para hindi na siya masaktan? But yet, here she is. Nagpapadala na naman siya sa emosyon niya. Nagpapadala na naman siya sa epekto ni Daniel sa kanya.
When will she ever stop? Kailan pa siya titigil sa kabaliwan niya kay Daniel? Kailan pa niya matuturuan ang pusong kalimutan na ang pagtatangi niya sa pagmamahal nito? Kung kailan ay sobra-sobra na siyang nasasaktan? She won't wait for that to happen. Hindi dapat mangyari iyon.
BINABASA MO ANG
If Only
FanfictionDaniel Padilla and Kathryn Bernardo's loveteam is one of the hottest loveteam in the country. Hindi mapagkakaila ang on and off-screen chemistry ng dalawa. And when Daniel Padilla professed her admiration towards his partner, Kathryn Bernardo, mas t...
