Chapter 12

28.6K 264 47
                                        

"DJ." Dumating na si Vicky at dala-dala ang mainit na tubig at gamot para sa lagnat. Kasama naman nito si Mark.

"Anong nangyari kay Kath?" nag-aalalang tanong nito.

"Nahimatay lang siya kanina, eh. Ang taas-taas ng lagnat niya," sagot niya dito.

May inilabas na thermometer si Vicky galing sa bag nito. Kinuha naman niya dito ang mainit na tubig at siya na mismo ang nagpunas sa mukha nito.

"Teka lang, sasabihin ko muna sa staff na magpadala ng medical assistance dito. Para matulungan kayo diyan," sabi ni Mark saka ay umalis ng tent.

Patuloy lang siya sa pagpunas ng mukha ni Kath. Maputlang-maputla pa rin ito at nanginginig pa ang katawan.

"Ate Vicky, kamusta na ang temperature niya?" tanong niya dito nang matapos nito kunan ng temperature si Kath.

"39 degress. Ang taas," sagot nito sa kanya.

Mas lalo pa siyang nag-alala sa kalagayan nito.

"Nandito na ang medic," anunsiyo ni Mark nang dumating na ito sa tent.

Tumayo siya para mapalitan nito ang pwesto niya. Siya kasi ang pinakamalapit kay Kath.

"DJ, labas muna tayo," ang sabi ni Mark sa kanya when the doctor was already cheking up Kath's condition.

"Mamaya na. Dito muna ako,” sagot niya dito habang hindi pa rin mapakali sa kinatatayuan at tinitingnan ang mga medic na asikasuhin si Kath.

"May kailangan tayong pag-usapan," anito pa.

Napatingin siya dito. "Ano iyon?"

"Sa labas na tayo mag-usap."

If OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon