Kath was quietly sitting in front of a dresser. Natapos na siyang ayusan ni Mike at ngayon ay naghihintay nalang siya para sa production number na gagawin niya kasama si Dominic. Natapos na ang isang production number niya kasama sila Julia, Miles, Yen at Ella. Iyon nalang ang hinihintay niya para matapos na rin ang part niya sa show at para makapagpahinga na rin siya.
"Kath," narinig niyang may tumawag sa kanya. Napalingon naman siya dito at nakita ang ulo ni Mark na nakasilip sa pintuan ng dressing room.
"O, Kuya Mark. Bakit?" nagtatakang tanong niya dito. Ano ba ang ginagawa nito doon? Medyo kinakabahan siyang baka may makita siyang taong pilit niyang iniiwasan at kinakalimutan.
"Puno na kasi lahat ng dressing rooms, eh. Ngayon lang kami dumating nila DJ galing sa taping. Pwede bang maki-share nalang ng dressing room? Wala na talagang ibang bakante, eh," tuloy-tuloy na paliwanag dito.
Hindi man lang siya nakapagsalita pa ay humirit pa ito.
"Sige na, Kath. Please? Kailangan pang ayusan sila DJ, eh," pagmamakaawa niya dito.
Wala na siyang magawa kundi ang sumang-ayon nalang sa pakiusap nito. Kesa naman pabayaan rin niya si DJ na hindi makapag-ayos para sa number nito. Magiging unprofessional siya kung gagawin niya iyon.
Nakita niyang nawala ang ulo ni Mark sa pagkasilip sa pintuan. Malamang ay tinawagan na nito si DJ. Agad namang napaharap siya sa salamin at inayos ang sarili sa repleksiyon. Inayos niya ang buhok niya. Pati ang lipstick niya, pinakapal niya.
Wait, bakit ba inaayos ko ang sarili ko?
Napahinto siya sa ginagawa at umayos nalang ng upo. Bakit kasi parang kinakabahan siya? Hindi siya pwedeng kabahan. Si Daniel lang ang darating at hindi ang presidente ng Pilipinas.
She tried to calm herself. Pilit niyang iniisip at pinapaalala sa sarili na trabaho lang ang nakapagitan sa kanilang dalawa ni Daniel kaya kailangan niyang pakalmahin ang sarili at harapin ito nang hindi kinakabahan.
Tama! Tama! Huwag kang kabahan, Kath! Huwag kang papaapekto.
"Kath."
BINABASA MO ANG
If Only
FanfictionDaniel Padilla and Kathryn Bernardo's loveteam is one of the hottest loveteam in the country. Hindi mapagkakaila ang on and off-screen chemistry ng dalawa. And when Daniel Padilla professed her admiration towards his partner, Kathryn Bernardo, mas t...