Chapter 45

23.9K 261 47
                                    

Maaga palang ay napagpasyahan na nila ni Daniel ang bumalik na sa siyudad. May taping pa kasi sila ni Dom, at may guesting pa daw si Daniel at si Aaliyah. Gustuhin man niyang huwag munang umuwi at makasama pa nang mas matagal si Daniel ay wala siyang magagawa. Kailangan pa nilang mag-trabaho ni Daniel.

"Doon nalang kita ibababa sa parking lot, ah? Mauna ka nalang bumaba, tsaka susunod na ako," narinig niyang sabi ni Daniel nang malapit na sila sa network compound. "Para walang makahalata."

Tumango lang siya dito kahit na nagtataka siya sa sinabi nito sa huli. Naiintindihan niya kung ano ang ibig sabihin nito. Pero parang may umahon na kaunting inis sa kanya. Para kasing tinatago siya ni Daniel.

But who is she kidding? Of course, he is just protecting her. Pino-protektahan lang siya ni Daniel mula sa mga walang kwentang intriga. At kung makikita silang dalawa ng mga media, sigurado siyang babaha ng batikos at komento ang mga tao at media tungkol sa kanya at kay Daniel.

Nang nasa parking lot na sila ay inihinto na ni Daniel ang sasakyan.

"I'll see you later," sabi pa ni Daniel bago pa siya tuluyang lumabas ng kotse nito.

"Yeah. I'll see you, too," nakangiting sagot niya dito.

Bababa na sana siya nang pigilan siya ni Daniel.

"Ano?" tanong niya dito.

Daniel sincerely looked into her eyes. "I love you."

Napangiti siya sa sinabi nito. "I love you, too," sagot niya bago hinalikan ito sa pisngi.

Saka lamang siya tuluyang lumabas ng kotse nito. Dire-diretsong nagtungo siya sa dressing room niya, kung saan nadatnan niya sina Vicky at si Mike na seryosong nag-uusap.

"Hoy," panggulat niya sa dalawa.

Napatingin naman ang mga ito at halatang nasorpresa nang makita siya.

If OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon