Chapter 42

24K 343 71
                                        



"Alam niyo ba, noong isang araw, malapit nang ma-trigger ang allergy nitong si Deej?"





Nasa kinakain na beef steak pa rin ang buong atensiyon ni Kath habang nakikinig sa mga walang pakundangang kuwento ni Aaliyah tungkol sa escapade niya at ni Daniel.





Tapos na silang manood ng sine. Balak sana niyang umuwi nalang sa bahay nila dahil naiinis siyang nakikita si Aaliyah na nakalambitin sa braso ng boyfriend niya. But Daniel insisted that they go with them to have a late lunch.





Sadista yata ang boyfriend niya, eh. Hindi ba nito alintanang nagngingit-ngit na siya sa selos? At siya rin naman ang gagang masokista. Kahit na alam niyang selos na selos na siya, pumayag pa rin siyang sumama sa mga ito.





"We were on an interview with a talk show from Studio 23. Eh, hindi naman pala alam ng mga staff - kahit ako din - that he was allergic to flowers," natatawang wika nito. "But still, when the staffs asked him to buy the flowers for me, he still bought it."





Kath rolled her eyes. Ghad, when will she ever stop?





"Isn't that sweet? I mean, kahit na alam niyang allergic siya sa flowers, he went out of his way to buy me one." Nakangiting bumaling ito kay Daniel. Magkatabi kasi ang mga ito. "Thank you for that."





Napataas naman ang isang kilay ni Kath nang makita ang malalagkit na titig nito kay Daniel. At ito namang magaling niyang boyfriend, talagang ningitian pa ang malandi. Parang wala lang siya sa tapat nito, ah.





Ouch. Nasasaktan na ako, ha.





Narinig niyang bumulong si Dom sa kanya. Katabi lang kasi niya ito. "You want more food?"





"No, thanks," sagot niya dito.





"How about water?"





"Hindi, okay lang."





Nagbuntong-hininga naman ito. Kaya ay napatingin siya kay Dom. Alam niyang alam nitong kanina pa siya nagseselos. Batid niyang nakiki-simpatiya ito sa nararamdaman niya.





"Okay, okay. I need water," ang sabi nalang niya dito.





Ningitian lang siya ni Dom and then poured water from the pitcher to her glass.





"Thanks," nakangiting wika niya.





"No problem."





Napabaling naman ang atensiyon niya kay Daniel nang napatikhim ito nang malakas. Napakunot ang noong tumingin siya dito.





"What?" she mouthed from under her glass of water.





Kunot-noong umiling-iling naman ito, kasabay nang pagtingin nito kay Dominic. Parang nahuhulaan na niya kung ano ang ibig sabihin nito.





Kaya naman, napabaling siya kay Dom na naka-plaster na ang malaking ngiti sa mukha. "Dom, gusto mo pa ng food?"





"Ha?" nagtatakang tumingin si Dom sa kanya.





Withouth Dom's approval, nagsandok siya ng malaking piraso ng beef steak at inilagay sa plate nito. "Eto... Masarap iyan. Paborito ko iyan."





Kahit na nagtataka pa rin sa kinikilos niya, ningitian nalang siya ni Dom. "Ah, t-thanks."





Napatikhim na naman ng malakas si Daniel. Nang napatingin siya dito, malalim na ang kunot sa noo nito.





If OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon