"This way."
Agad na sinundan nila Kathryn, Vicky at Danna si Mark papasok ng hospital. Hindi na naabutan nila ito sa lugar kung nasaan naaksidente ito dahil nadala na ito sa rescue unit sa hospital. Sila Aaliyah naman at si Dominic ay nauna na rin sa hospital.
Habang tinatahak nila ang daan papunta sa emergency room ay tahimik lang siyang nananalangin habang patuloy pa rin sa pagtulo ng kanyang mga luha. nananalangin siyang sana ay okay lang si Daniel. Na sana ay walang masamang nangyari dito.
Nang narating na nila ang pasukan ng emergency room ay nadatnan na nila ang hindi magkamayaw na mga press sa tapat ng pintuan. Halatang inaabangan ng mga ito ang balita tungkol sa pagkakaaksidente ni Daniel. At nang nakita pa siya ng mga press ay mas lalong gumulo naman ito. Nagsiunahan pa ang mga itong makalapit sa kanya marahil para kunin ang kanyang mga pahayag.
"Miss Kath, ano ang masasabi mo tungkol sa pagkakaaksidente ni Daniel Padilla?"
"Kath, totoo bang magkasintahan nga kayo ni Daniel Padilla?"
"Ano po ba ang totoong namamagitan sa inyo ni Daniel Padilla?"
At marami pa ang mga itong mga tanong na hindi na niya narinig dahil wala naman sa mga ito ang kanyang atensiyon. Dali-dali naman siyang prinotektahan nila Mark para safe ring makapasok sa holding area ng emergency room kung saan wala nang mga press na nakaantabay.
Nang nakapasok na sila sa holding area ng emergency room ay agad na nadatnan nila sila Aaliyah at Dominic na nakaantabay doon.
"Where's Daniel?" agad na tanong ni Mark nang sumalubong sila Aaliyah sa kanya.
"Nasa operating room pa," si Dominic na ang sumagot, habang si Aaliyah ay namumugto na ang mga mata sa kakaiyak.
__________
Mga dalawang oras na rin simula nang naghintay sila sa labas ng emergency operating room kung saan kasalukuyang inooperahan si Daniel.

BINABASA MO ANG
If Only
FanfictionDaniel Padilla and Kathryn Bernardo's loveteam is one of the hottest loveteam in the country. Hindi mapagkakaila ang on and off-screen chemistry ng dalawa. And when Daniel Padilla professed her admiration towards his partner, Kathryn Bernardo, mas t...