Chapter 63

14.5K 200 22
                                    

"Dude, labas muna kami ng kwarto mo, ah. Nakakabagot dito, eh," ang sabi kay Daniel ni Katsumi.

"Oo nga, pare. Sama nalang ako kay Katsumi. Gusto kong bumili ng pagkain, eh," pagsang-ayon naman ni Seth.

Katsumi rolled his eyes at Seth. "Sus, kung alam ko lang. Hindi naman talaga pagkain ang sadya mong lumabas, eh. Gusto mo lang maghanap ng babae. Sus, Seth ha. Alam ko na iyang pag-iisip mo."

Binatukan naman ni Seth si Katsumi. "Huwag ka ngang magulo. Dami mong alam, eh."

Binelatan naman ni Katsumi si Seth. "Ang gulo mong tao. Makaalis na nga. Nambabatok pa, eh."

SInundan na lamang ni Daniel ng tingin ang mga kaibigan habang papalabas ang mga ito sa kwarto niya. He was really glad these guys came. Gumagaan ang pakiramdam niya.

Napatingin naman siya kay Lester na nananatiling nakaupo pa rin sa silyang kinauupuan nito.

"Ayaw mong sumama sa kanila?" tanong niya dito.

Umiling-iling naman ito. "No. I prefer to stay here. Nakakapagod na ang maghanap ng chicks, eh marami namang kusang lumalapit."

Napatawa siya sa sinabi ng kaibigan. "Ang hangin mo, 'tol!"

"May pinagmanahan lang," ang sabi nito at binigyan pa siya ng makahulugang tingin.

Napailing-iling nalang siya sa kaibigan. Oo nga pala. Siya naman talaga ang sobrang mahangin sa kanilang apat.

"At tsaka, gusto rin kitang kausapin, eh," dugtong pa ng kaibigan niya.

Napakunot ang noo niya. "Tungkol saan?"

"Tungkol kay Kath."

If OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon