"And cut!" narinig ni Kath na sigaw ng direktor. Napatingin ulit siya sa ka-eksena.
"Nice one, Kath," sabi ni Miss Gretchen sa kanya.
She let out a small laugh. "Ikaw nga rin, po. Malapit na akong nadala doon."
Tumawa ito nang malakas. "Pasensiya na. Talagang may pagka-maldita talaga ako, eh. Eh, iyon. Lumabas siguro sa paggawa natin ng scene."
Natawa lang siya sa sinabi nito. She was wrapping up her scene with Miss Gretchen Barreto. Miss Gretchen Barreto portrayed the role of Ashi Behati, a high ranking influential official and a royal blood who desires the crown of being the next queen of the Kingdom of Yangdon and desires for being the next crown prince of her own son Prince Jao, na ginagampanan naman ni Enrique.
"Ah, Miss Gretchen," pagtawag ng isang staff na lumapit sa kanilang dalawa.
"Bakit? Next scene ko na ba?" tanong naman ni Miss Gretchen dito.
"Ahm, ang sabi po ni Direk, pack-up po muna tayo," sagot naman nito.
"But, I thought may scene pa kami ni Daniel?" tanong ni Miss Gretchen.
"Hindi na muna ite-tape iyon. Si DJ kasi..."
Nag-alala siya. "Bakit po? Ano pong nangyari kay DJ?"
"Eh, kasi inatake siya ng asthma niya, eh. Kaya ayun, hindi niya magawa ang scene nila ni Miss Gretchen ngayon," sagot nito sa tanong niya.
"What? Okay lang ba siya?" nag-aalala na ring tanong ni Miss Gretchen.
"Hindi ko po alam. Pero nandoon po siya sa tent niya at pinagpahinga."
Agad-agad naman niyang tinungo ang tent ni Daniel. Pagdating niya doon, nakita niyang nasa labas ng tent nito si Mark.
BINABASA MO ANG
If Only
أدب الهواةDaniel Padilla and Kathryn Bernardo's loveteam is one of the hottest loveteam in the country. Hindi mapagkakaila ang on and off-screen chemistry ng dalawa. And when Daniel Padilla professed her admiration towards his partner, Kathryn Bernardo, mas t...