Chapter 5

33.9K 357 28
                                    

Bumili agad si Kath ng pepperoni pizza na ni-request ni DJ. Natutuwa talaga siyang kahit papaano'y maganda na ang pakikitungo ni Daniel sa kanya.

Wee? Sure ka na ba talaga? Baka gutom lang iyon kaya naging mabait iyon?

Napasimangot siya. Oo nga, ano? Ba't hindi niya iyon naisip? Baka gutom nga lang ito kaya naging mabait ito sa kanya.

Pero hindi naman siguro. Mabait na talaga iyon sa akin. Napangiti naman siya.

Naglalakad na siya papuntang kwarto ni DJ. Nasasabik na siyang makita muli itong ngitian siya. Kaytagal na panahon na sigurong inaasam niyang ngitian siya nito. Iyong totoong ngiti nito. Iyong hindi lang peke.

Nang sa wakas ay nasa tapat na siya ng kwarto nito. Huminga pa siya ng malalim bago ipinihit pabukas ang door knob nang matigilan siya. May bisita pala si Daniel. Isang babae. Nakatalikod ito sa kanya kaya ay hindi niya makita ang mukha nito.

Napagpasyahan niyang huwag munang pumasok kasi mukhang may seryosong pinag-uusapan pa ang mga ito. Pero nang paalis na sana siya ay napahinto na naman siya. She knew it was bad to eavesdrop pero hindi niya mapigilan ang sarili.

"Ba't ka pa pumunta dito? Hindi ba't ikaw na rin ang nagsabi sa akin na ayaw mo na akong makita?" tanong ni Daniel sa babae.

"DJ naman. Siyempre, nag-aalala pa rin ako sa iyo," sagot ng babae dito.

"Well, you don't need to. Simula nang pinutol mo na ang ugnayan nating dalawa, wala na tayong pakialamanan. You know where the door is. Feel free to leave," malamig na tugon ni DJ dito.

"DJ, please? Kahit ngayon lang, huwag mo muna akong itaboy."

"Hindi kita itinataboy, Danna. At tsaka, sino ba ang nagtaboy in the first place?"

"Kaya nga ako nandito, eh. Kasi gusto kong sabihin sa iyo, na kahit ano pang mangyari, nandito lang ako. At binabawi ko na ang sinabi ko sa iyo noon."

"Mahirap bawiin ang salitang nabitawan na. Lalo na't nakapagpasakit na iyon ng tao."

If OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon