Chapter 52

19.7K 192 43
                                    

"Kath?"

Agad na napalingon si Kath sa nagsalita. Kita niya ang gulat na gulat na mukha ni Dominic nang makita nito ang hitsura niya.

"Hey, are you okay?"

Agad na lumapit si Dominic sa kanya. Hindi na niya nakayanan ang nararamdaman kaya nang lumapit ito sa kanya ay agad na napayakap siya dito. Humagulhol na siya sa balikat nito habang tahimik na hinahagod lang nito ang likod niya.

Matagal-tagal na ring nasa ganoong ayos sila. Pinilit niyang pakalmahin ang sarili niya. She knows that she needed to compose herself quick. May trabaho pa siyang dapat gawin at ayaw niyang ma-sabotahe ang career niya dahil sa wala nang kwentang buhay niya.

"Kath, anong nangyari?" tanong ni Dominic nang kumalas na siya sa yakap niya dito.

Nagbuntong-hininga siya habang dali-daling pinapahid ang mga luha sa pisngi. "Let's go."

Akmang lalakad na siya nang pigilan siya ni Dominic. Nang magtama ang kanilang paningin ay kitang-kita niya ang awa sa mga mata nito. Ganoon na ba talaga siya kaawa-awa sa kanyang sitwasyon.

"Let's go, Dom. We need to go," aniya dito.

Hindi pa rin nito pinapakawalan ang braso niya. Marahil tinatantiya nito kung okay ba talaga siya. But she know damn well that she's not okay. And alam din ni Dominic iyon.

Nagbuntong-hininga si Dominic. "I know you're not okay. Kung ano man ang dinadala mo ngayon, you know you could always talk to me. I'll listen to you."

Agad na namang nagpatakan ang mga luha sa kanyang mata. Nagpapasalamat siya at may mga tao pa palang pwede niyang pagkatiwalaan. Tumango na lamang siya dito para ipaintindi nitong tatandaan niya ang sinabi nito.

"But we have work to do. After work, can you tell me what's wrong? Please?" ani pang Dominic sa nagmamakaawang tingin.

Tinanguan nalang niya ito. She might as well share her heartbreak to someone. At sa palagay niya, she can share it to Dominic.

If OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon