"And that's a wrap!"
Napahinga nang maluwag si Kath nang marinig niya ang sinabi ng photographer. Finally, for after how many tiring hours, natapos na rin ang pictorial niya for the summer collection na ipapalabas na ng Bench Clothing Line para sa nalalapit na summer.
Umalis naman si Kath sa spot light at dumiretso kay Vicky na naghihintay lang sa kanya sa gilid. Kasama nito si Mike.
"Ate, okay na ako for today?" tanong niya kay Vicky.
"Wait," anito at tiningnan ang organizer niyang naglalaman ng lahat ng appointments niya para sa araw.
"By the way girl, ang hot mo kanina habang kinukunan ng photographer. Tamang-tama para sa summer... hot!" wika ni Mike.
Tumawa lang siya dito. "Thanks, Mike."
"May isang appointment ka pa," sabi ni Vicky pagkatapos nitong tingnan ang organizer.
"Yeah?"
Tumango ito. "Mamaya pa namang dinner. May dinner meeting ka with the owner of this new clothing line na galing pa sa Australia. I heard na mag-o-open daw sila ng branch ng clothing line nila dito sa Pilipinas, eh. And well, they were looking for endorsers for their clothing line."
Ngumiti siya. "Wow! Maganda siguro ang clothing line na iyan, ano?"
"Sinabi mo pa!" sang-ayon ni Mike.
"But I heard, may kasama ka daw sa endorsement na ito," dugtong pa ni Vicky.
"Ow? Sino?" tanong niya.
"Lalake daw, eh. But wala pang information kung sino, eh," sagot ni Vicky.
"Sino kaya iyan?" curious na tanong niya.
BINABASA MO ANG
If Only
FanficDaniel Padilla and Kathryn Bernardo's loveteam is one of the hottest loveteam in the country. Hindi mapagkakaila ang on and off-screen chemistry ng dalawa. And when Daniel Padilla professed her admiration towards his partner, Kathryn Bernardo, mas t...
