Chapter 26

29.3K 363 64
                                        

Kath was looking through his eyes. May hinahanap siya sa mga mata nito. She was searching for that warm feeling she used to feel back then when she stares through his eyes. Gusto niyang maramdaman ulit ang naramdaman niya noon. Iyong feeling na parang lulutang ka na sa langit dahil sa mga titig rin nito. Iyon ang hinahanap niya.

Nakatingin lang din ito sa kanya. He was looking at her with love. Parang sinasabi ng mga mata nito na siya lang ang babaeng tanging mamahalin nito. She would flutter with the thought... it's just that, hindi iyon ang nararamdaman ng puso niya.

Pipikit na sana siya nang marinig niya ang sigaw ng direktor.

"Cut! Cut!" sigaw nito through the megaphone. "Dominic, ang lanta-lanta mong um-acting. Gwapo ka nga pero wala ka namang appeal sa harapan ng camera. Ayusin mo iyan."

Napatungo naman ito at napakamot sa batok. "Sorry, Direk."

Bumaling ang direktor nila sa kanya. "At ikaw naman, Kath! Para kang tuod! Parang may malaking pader ang nakapagitan sa inyong dalawa, ah. Wala tuloy kayong spark... walang chemistry."

Lihim siyang nagbuntong-hininga. Iyon naman parati ang reklamo ng direktor nila sa kanya, eh. Parang nasanay na yata siya.

Paano naman magkaroon ng chemistry, eh sa wala naman talagang spark? Gusto sana niyang sabihin pero kaso lang ayaw rin niyang mapahiya si Dominic sa kanya.

"Hay. Ewan ko. Parang wala namang chance kayong dalawa, eh. Break nalang nga muna," naiinis na sabi ng direktor.

"Sorry uli, Direk," pahabol pa ni Dominic dito. Saka lang ito tumingin sa kanya.

"Sorry Dom, ha," ang sabi lang niya dito.

Nagbuntong-hininga ito. "Okay lang iyon. Nahirapan ka lang sigurong mag-adjust kasi nga, diba, nasanay ka nang si Daniel ang ka-partner mo."

Natahimik naman siya nang marinig niya ang pangalan ng tanging lalaking nagpaparigodon ng puso niya.

"Sige, Kath. Pahinga ka na."

If OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon