Chapter 53

18.7K 180 35
                                        

Nasa bar ng resort si Daniel sa kasalukuyan. Doon siya dinala ni Aaliyah pagkatapos siya nitong yayaing mag-celebrate para sa success ng kanilang kakatapos lang ng isa na yata sa pinakamalaking project sa buong career nila.

Nakapanglumbaba pa rin siya habang tinutungga ang bote ng beer. Hindi na niya alam kung pang-ilang beer na iyon na nainom niya sa gabing iyon. Ang alam lang niya ay gusto niyang makalimutan ang nakita niya kanina. Dahil nasasaktan siyang makitang may kayakap na ibang lalake ang kasintahan niya.

Hindi talaga niya maintindihan si Kath. Kung may problema man itong dinadala, bakit ba hindi siya ang sinabihan nito? Dapat ba talagang sa ibang tao pa ito unang lumapit kesa sa kanya? Siya naman ang boyfriend, so siya dapat ang isa sa mga taong dapat unang makaalam sa problema nito.

Or did he hurt her again? If so, kailan niya ito sinaktan? As far as he could remember, okay pa naman sila noong huli silang naghiwalay noong pananghalian. Tinanggihan pa nga niya ang alok ni Aaliyah na makisabay dito ng lunch para lang makabawi kay Kath. Nakapag-sorry na rin siya sa dito para sa naging kasalanan niya dito, at mukhang okay naman na sila. So ano ba ang naging mali sa kanila?

He knew he needed to talk to her. Pero sobra pa siyang nasasaktan ngayon. Gusto muna niyang linawin ang isip niya bago niya ito komprontahin. Kasi sa ngayon, inaamin niyang nagagalit pa siya dahil sa nakita niya kanina. Hell, he was hurting. So bad.

"Do you want another one? How about a scotch?" Narinig niyang tanong ni Aaliyah sa kanya na nasa tabi lang. Kakatapos lang din nito ang bote nito ng beer.

Tumango lang siya dito. Kaya naman ay sinenyasan nito ang bartender na bigyan ulit sila ng dalawa pang baso ng scotch.

Tumayo siya dahil gusto muna niyang magpahangin. Feeling niya kasi, sumisikip na ang espasyo ng bar. Mukhang nagsimula na siyang tamaan ng alak na iniinom.

"Saan ka pupunta, Deej?" tanong ni Aaliyah sa kanya.

"Magsi-CR lang ako," sagot naman niya dito bago tuluyang umalis at tuluyang iniwan ito doon para magpahangin sa labas.

__________

Sinundan lang ni Aaliyah ng tingin ang papalayong bulto ni Daniel. At nang nakasigurado na siyang tuluyan nang nakaalis ito ay agad na kinuha niya sa bulsa ang isang capsule ng pill.

If OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon