Chapter 37

27.5K 309 46
                                        

Tahimik lang si Kath habang nakatanaw sa labas ng bintana. Habang si Dominic naman ay lihim lang na pasulyap-sulyap kay Kath habang nagmamaneho.

"Parang ang lalim yata ng iniisip mo, ah," narinig ni Kath na sabi ni Dom.

Napatingin agad siya dito at ningitian ito. "Wala naman akong iniisip."

"Hmm. Talaga lang?"

Napatango lang siya sa tanong nito.

"Para kasing may alam ako sa kung anong nasa isip mo," anito na diretso lang ang tingin sa daan. "Iniisip mo pa rin iyong kanina sa restaurant, ano?"

Kunot-noong napatingin siya dito. "Sa restaurant? Bakit? Ano bang meron doon?"

Narinig niya ang mahinang tawa nito bago, "Alam kong iniisip mo si Daniel. Huwag ka nang mag-deny dahil halatang-halata sa mukha mo."

Agad na nag-iwas siya ng tingin. Tama nga ito. Habang nagba-biyahe sila ni Dominic papuntang bahay niya ay si Daniel lang ang naging laman ng isip niya. Si Daniel at si Aaliyah. Alam niyang wala na siyang karapatan sa binata dahil matagal nang hiwalay ang kanilang loveteam. Mas may karapatan na si Aaliyah dito dahil si Aaliyah na ang ka-loveteam nito. Pero hindi pa rin niya maiwasang magselos sa tuwing naiisip niyang magkasama ang mga ito.

"Halata namang malaki ang epekto sa iyo ni Daniel, eh. Seeing you blush every time you hear his name, or seeing you fidget knowing he's only a few inches away from you... halatang-halata sa mga kilos mo na mahal mo siya."

Napatingin na naman siya dito. Diretso pa rin ang tingin nito sa daan. Wala siyang makuha sa ekspresyon ng mukha nito. At dahil madilim sa loob ng sasakyan, hindi rin niya makita ang mga mata nito.

She didn't know what to reply to him. Hindi niya alam na observer pala ito. Nao-obserbahan nito ang lahat ng kilos niya... kahit ang mga maliliit na kilos niya. Hindi niya aakalaing mahahalata rin nito ang mga unguarded reactions ng puso niya dahil kay Daniel.

"Hey, if you want it to be your little secret, I'll pretend I don't know anything," anito.

If OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon