Chapter 55

19.1K 201 35
                                    

"Dominic!"

Agad na napabitaw si Dominic sa pagkahawak sa mukha ni Aaliyah nang narinig ang boses ni Danna. Nang napatingin siya dito ay agad na bumalot ang kakaibang damdamin na siyang si Danna lang ang nakakapagparamdam sa kanya.

Unti-unting humakbang siya papalapit dito. "Danna."

"Dominic, what do you think are you doing?"

Hanggang sa nakalapit siya dito ay hindi pa rin naaalis dito ang tingin niya. "Danna, I was just talking to Aaliyah."

"No," pailing-iling na sabi nito. "You know that's not what I meant. Ano ang ginawa mo kina Daniel at Kathryn?"

Naguluhan naman siya sa tanong nito.

"Ba't mo ginagawa lahat nang ito, Dominic? Bakit mo sinisira ang relasyon nila Kath at Daniel?" tanong ni Danna.

Nakakunot-noong tumingin siya dito. "But I thought you'd be happy to know that sira na ang relasyon nila Daniel and Kath. That's what you want naman, hindi ba?"

Mabilis na umiling ito. "No! I mean, yeah. But not in this way, Dominic."

Naguguluhan pa rin siya dito. Hindi ba't noong nakipaghiwalay na nang tuluyan si Daniel kay Danna, at nang sabihin ni Daniel dito na si Kath na ang nagmamay-ari ng puso nito, kulang nalang ay isumpa nito si Kath? Ito pa nga ang lumapit sa kanya at sinabihan siya mismo na gagawin nito ang lahat ng makakaya nito para mawala sa landas nito si Kath sa relasyon nito with Daniel. So what is this now?

"I thought you'd be happy, Danna. Hindi ba't you were rooting for this? Ang masira na nang tuluyan ang relasyon ng dalawa para bumalik na sa iyo si Daniel? Hindi ba?" naguguluhan pa ring tanong niya.

"Yes, I admit it. Iyon ang hinahangad ng puso ko noon. Kasi mahal na mahal ko si Daniel, handa kong gawin ang lahat para lang mapasaakin siya muli," sagot nito.

Naramdaman naman niya ang pagkirot ng bahagi na iyon sa puso niya dahil sa sinabi nito.

If OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon