Maagang nagising si Kathryn. Ang sabi kasi sa kanya ni Vicky ay maaga ang kanilang pictorial. Kaya ay kahit na two in the morning pa ay gising na siya. Nakapag-half bath na siya. Hindi na niya binasa pa ang buhok niya dahil naligo naman na siya kagabi. Saka ay lalagyan pa ng iba't-ibang klase ng hair products ang buhok niya, kaya mas mainam nang pagkatapos nalang ng shoot niya babasain ang buhok.
Nauna na si Vicky sa pictorial set. Ang sabi niya ay susunod nalang siya dito. Kaya naman nang natapos na siyang maghalf-bath ay lumabas na agad siya ng kwarto para pumunta sa set. Kailangan pa kasi siyang lagyan ng make-up. Pero laking gulat nalang niya sa bumungad sa kanya sa labas.
"Good morning," nakangiting bati ni Daniel. Nakasandal ito sa railings ng balcony habang fresh na fresh pa ito sa suot nitong khaki shorts at puting t-shirt.
Hindi naman siya sumagot. Kaya ay lumapit pa ito sa kanya, kasabay ng paglabas nito mula sa likuran nito ng isang one-stemmed rose.
"Babe? Sorry na," ang sabi nito.
Napatingin naman siya sa mukha nito. Bahagyang nakayuko ito, pero kita naman niya sa mukha nito na sincere ito sa sinabi.
"Bakit ka nagso-sorry?" tanong niya dito.
Nag-angat naman ito ng tingin, kasabay ng pagkuha nito sa mga kamay niya. "Kasi alam kong nagagalit ka sa akin. At tsaka, nasaktan kita."
Napaiwas siya ng tingin. Kasi kung hindi niya ginawa iyon, alam niyang bibigay rin ang puso niya. Bakit ba kasi isang simpleng sorry lang dito, nalalambot na ang puso niya, eh? Hindi tuloy niya makuhang magalit dito nang matagal.
"Babe, I'm really sorry. I promise, hindi ko intensiyong pagselosin ka. And yes, mali din ako. I should've not said that to you yesterday. Hindi sana kita pinagalitan," anitong hinigpitan pa ang pagkahawak sa kamay niya.
Hindi pa rin siya sumasagot dito.
"Babe, sorry na. Please?" There was a hint of desperation in his voice. "Hindi ko kayang nakikita kang ganyan. Na nakikita kang galit sa akin."
Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya, bago niya ito binalingan ng tingin. "I'm sorry, too. I know I was rude to her," she started to explain. "It's just that... hindi ko lang talaga maiwasan, eh. Kasi naman, sobrang nagseselos ako. Ikaw kasi, eh - "
![](https://img.wattpad.com/cover/2384406-288-k301854.jpg)
BINABASA MO ANG
If Only
FanfictionDaniel Padilla and Kathryn Bernardo's loveteam is one of the hottest loveteam in the country. Hindi mapagkakaila ang on and off-screen chemistry ng dalawa. And when Daniel Padilla professed her admiration towards his partner, Kathryn Bernardo, mas t...