Hindi na nagulat si Daniel nang dumating siya sa venue ng photoshoot. Gaya nga ng sinabi ni Mark, maraming press ang nagkakalat sa private resort kung saan sila dapat magpo-photoshoot para sa ine-endorse nilang clothing brand.
Buti nalang talaga at pinalipat ko na si Kath sa van, isip-isip ni Daniel habang minamaneho niya ang kotse papasok sa resort.
Napatingin naman siya sa kanyang rear view mirror. Hindi nakasunod ang van sa kanya. Pero sa tantiya niya, hindi magtatagal ay darating na rin ang van ni Kath.
He reached out for his phone to call Kath. Gusto lang niyang bigyan ito ng warning sa mga nakaabang na media.
"Hello?"
"Babe, nasaan na kayo?" agad na tanong niya dito.
"Papasok na kami sa eskinita patungong resort. Why?"
"Maraming press. Wait muna kayo ng mga fifteen minutes bago tumuloy sa resort. Hindi pa ako nakababa, eh. Hintayin mo ang text ko bago kayo pumasok dito," babala niya dito.
"Okay, babe. Thanks."
"You're welcome."
"Sige na. Nagda-drive ka pa, eh."
"Yeah. I'll see you."
"Yeah, see you."
"Ahm, wala bang 'I love you' diyan?"
Narinig niya ang mahinang tawa nito sa kabilang linya. "Asus. Ikaw talaga. I love you, babe."
Napangiti naman siya. "I love you, too. I'll see you later."
"Okay. Bye!"

BINABASA MO ANG
If Only
FanfictionDaniel Padilla and Kathryn Bernardo's loveteam is one of the hottest loveteam in the country. Hindi mapagkakaila ang on and off-screen chemistry ng dalawa. And when Daniel Padilla professed her admiration towards his partner, Kathryn Bernardo, mas t...