Chapter 59

17.5K 218 17
                                    

Everything was a little blur at first. Nararamdaman niyang sumasakit ang buong katawan niya. Pati na rin ang ulo niya'y sumasakit rin. Pero nang naka-adjust na ang mga mata niya'y agad na nakita niya ang tanging babaeng nagpapatibok ng puso niya. Agad ring nawala ang lahat ng sakit na nararamdaman niya sa katawan.

Kath.

Nakahiga ito sa tabi niya, habang nakayakap ang isang kamay nito sa kanya. Para itong isang anghel habang natutulog sa tabi niya. Gusto niya itong gisingin at ipaalam dito na gising na siya, katulad ng naririnig niyang pinapanalangin nito. But he contested that thought. Mas gusto niya itong nakikitang at peace na natutulog. Kasi alam niyang sa panahong gigising na ito ay maaari na naman itong umiyak.

Yes, he hears her. Naririnig niya ang pag-iyak nito at ang parati nitong hinihiling sa Panginoon na sana ay gumising na siya. And yes, nagising na nga siya. Pero hindi niya alam kung gaano na katagal siyang walang malay. Pero wala siyang pakialam. Ang mahalaga para sa kanya ay ang malaman na sa paggising niya ay ang isang tao lang na inaasahan niyang makita ay nakita nga niya.

Naramdaman niyang gumalaw ito ng bahagya. Kaya ay agad na naipikit niya ang kanyang mga mata. Gusto niyang sorpresahin ito. Gusto niyang makita kung ano ang magiging reaksyon nito kapag malaman nitong nagising na siya.

Naramdaman niyang nawala ito sa tabi niya. Mukhang nakatayo na ito dahil nararamdaman niyang wala na siyang katabi sa kama. Mahabang katahimikan ang narinig niya, bago may narinig siyang pagbukas at pagsara ng pintuan. Siguro ay pumunta ito ng banyo.

Agad na inimulat niya ang mga mata at nakitang mag-isa na nga siya sa kwarto. A little smile formed on his lips. Ngayon pa lang, nami-miss na niya si Kathryn. Naka-banyo lang ito't lahat pero parang gusto na niyang puntahan ito doon dahil nami-miss na niya ito.

Nang narinig niya ang pagbukas at pagsara ulit ng pinto ay agad na napapikit ulit siya ng mga mata. Narinig niyang lumapit ito sa kanya at naupo sa silyang katabi ng kama niya. Narinig niyang napabuntong-hininga ito. Ilang minuto pang naging tahimik sa kwarto. Kapagkuwan ay narinig niyang nagsalita ito.

"Daniel..."

Pero hindi boses ni Kath ang narinig niya.

Dominic?

If OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon