Chapter 67

2.4K 101 7
                                    

Katatapos lang kumain ng mag asawang Sy kasama ang mga Buneventura pati na rin si Mitch na kanina pa tahimik.

Naabutan ng mag asawa ang mainit na pagtatalo ng mga ito at mas minabuti na lamang na pag usapan ang lahat. Ito din ang dahilan kaya sinadya nila ang mga magulang ni Mitch.

"Kumpadre.. Pasensya kana sa mga nangyayari."

"Alam mo naman ang mga kabataan ngayon.." Umpisa ni Romeo.

"Wala akong dapat sisihin dito kundi ako bilang ama niya. Dahil alam kong kung napalaki ko siya ng maayos ay hindi aabot ang lahat sa ganitong sitwasyon.".. Idinagadag pa ng Daddy ni Mitch.

"Daddy don't say that. These are my choices." Sabat pa ni Mitch na dahilan para tingnan siya ng masama ng kanyang ama. Ang Mommy Hannah naman niya ay hinagod lang ang likod niya para ipahiwatig na wag ng sumagot.

"Romeo, i don't know how to start this.."

"We all know that this is wrong.." Bakas din sa mukha ni Manolo ang lungkot at pagkadismaya.

"But we are here not to discuss what is wrong and what is not.." Nakatingin lamang sila sa Don habang nagsasalita.

"The truth is, Mitch already talk to us about this. Lahat lahat at kung paano nag umpisa."

"Maitatama pa natin ito Kumpadre for the sake of our family names.." Romeo.

"Romeo, nagpunta kami dito para mapag usapan natin ng maayos ito." Nagsalita na rin si Stephanie.

"We already talk to Dale about this." Manolo.

"Tito?" Nagulat naman si Mitch sa narinig. Di naman niya inakala na kakausapin ng mga ito matapos niyang umamin sa nararamdaman niya para sa kanilang anak.

"Tumahimik ka Mitchella.. Usapan ng mga matatanda ito." Babala ulit ni Romeo sa anak kaya naman yumuko nalang ito.

"Mahal na mahal namin si Dale dahil nag iisang anak lamang namin siya.. You know well Kumpadre kung anong mga pinagdaanan ng batang iyon.."

"At alam namin na sobrang nasaktan din namin siya ni Stephanie dahil sa mga desisyon namin ng di man lang namin siya kinukunsulta kung okay ba sa kanya o hindi.."

"Buong buhay niya wala na siyang ginawa kundi sundin kami dahil alam naman niya na para din yun sa ikabubuti niya.."

The Richman's Hidden DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon