Chapter 62

8.3K 257 1
                                    

Mabilis na lumipas ang limang araw simula ng ligawan ni Mitch si Dale na di naman lingid sa kaalaman ng buong barkada nila. Di naman tutol ang magkakaibigan dahil parehas nilang kilala ang dalawa. Alam na rin naman ng buong barkada ang totoong pagkatao ni Dale.

Kahit parang asot pusa ang dalawa ay di pa rin tumitigil si Mitch na maiparamdam at maipakita ang sweetness niya kay Dale. Kahit pa busy si Mitch sa company nila at sa school ay di nito kinakalimutan na pasayahin si Dale sa bawat araw na dumadaan.

MITCH'S POV

Andito ako sa isang coffee shop para magrelax. Kagagaling ko lang sa office ni Kuya Rafael, tinulungan ko kasi siyang makipag usap sa dalawang high profile investors ng kumpanya dahil gusto nilang magback out. Waiting pa rin naman kami sa decision nila kaya di pa rin kami nakakahinga ng maluwag. Malaki rin kasi ang pwedeng mawala kapag nagback out sila. At di namin pwedeng hayaang mangyari yun.

Pero kahit puro problema at lagi akong pagod sa kakapabalik balik sa office at sa school ay nawawala lahat ng yun kapag nakikita ko ang babaeng nagpapakumpleto ng araw ko. Si Dale.

Kahit lage niya akong sinusungitan at sinisigawan ay okay lang, ramdam ko naman na nagwowork lahat ng ginagawa ko mapasaya lang siya. Hahaha! Ang laki na rin kasi ng ipinagbago ko, dati ako yung sumisigaw at nagsusungit. Pero pagdating sa babaeng mahal na mahal ko ay tiklop ako.

Napangiti ako sa iniisip ko.

I really love Dale so much, at di ako titigil hanggat di ko siya napapasagot. Naghahanda lang ako at sa susunod na araw ay lalakasan ko ang loob ko na sabihin mismo kina Tito Manolo at Tita Steph. Alam kong walang kasiguraduhan ang gagawin ko pero iri risk ko na lahat. Mahal na mahal ko si Dale at gagawin ko ang lahat para mapatunayan sa lahat yun, lalo nasa parents niya. At sana naman matanggap nila ako.

Alam kong kabaliwan ang gagawin ko. Babae ako at babae din si Dale, crazy but i have to prove them that love knows no gender, sabi nga nila. I'll just tell them how clean is my intention with Dale and that i really love her, that's all that matter. Saka bahala na, tatanggapin ko kung ano man ang sasabihin ng parents ni Dale. Gusto ko lang na maging formal ang lahat at malaman ng lahat na sakin lang si Dale.

Si Dale nga pala, miss na miss ko na siya. Naging busy kasi ako nitong mga nakaraang araw dahil sa company problem. Kaya sulyap na lang ang nagagawa ko sa mahal ko, pero kahit naman ganun ay lagi ko pa rin siyang pinapadalhan ng paborito niyang bulaklak. I even try to cook for her. Nagpaturo ako kay Mommy. Yes. Alam ng family ko na gusto ko si Dale, syempre nung una ayaw nila. Pero wala naman daw silang magagawa kaya naman pinayuhan na lang nila ako na sabihin na muna sa parents ni Dale habang maaga. Ayaw rin nila kasing masira ang samahan ng pamilya namin at pamilya ni Dale.

Kinakabahan na naman ako sa magiging reaction at sasabihin nila Tito Manolo. Pero kaya ko ito. Para kay Dale. Di alam ni Dale ang gagawin ko pero mas okay na rin yun. Kasi sigurado aawayin lang ako nun. Baka matakot lang lalo akong kausapin ang parents niya.

"Mitch Babe?? Is that you??"

Natigilan ako sa pagmumuni muni ng maulinigan ko ang nagsalita sa may bandang likuran ko. Lalo akong nagulat ng biglang may yumakap mula sa likuran ko.

"I cant be wrong! Sabi na eeee, ikaw yan babe!!"

"Honey?? Anong ginagawa mo dito?? Kelan ka pa?"

Honey Monterial is one of my ex nung nasa states pa ako. Kahit nagbreak na kami ay okay naman kami parehas, we're in good terms naman kaya nga siya rin ang naging bestfriend ko nung sa states pa ako nag aaral.

"Babe napakaganda mo pa rin! Lalo na ngayon, how are you? Buti i saw you kanina when i buy coffee, kakarating ko lang from the US, umuwi ako with my fiance pero hinatid niya lang ako, pabalik din siya the day after tomorrow." Maarteng paliwanag niya.

"Kamusta nga pala si Tim? Oo nga no? Kelan ba ang wedding niyo?"


At tuloy tuloy na nagkwentuhan kami ni Honey, matagal rin kasi kaming di masyadong nakapag usap dahil parehas kaming naging busy.

Nalaman ko na umuwi siya para ayusin ang mga papers niya na kakailanganin para sa kasal nila ni Tim sa US. Aalis din daw siya after two weeks dahil marami pa siyang aasikasuhin dun.

Napagkwentuhan namin ang lovelife nila ni Tim at syempre napagkwentuhan din namin ang tungkol kay Dale. Kinuwento ko lahat laht sa kanya, gusto nga daw niya makilala ito pero siguro kapag may time na, marami pa kasi siyang inaayos.

Honey is my bestfriend when i was at the states kaya naman alam na nito ang kwento ng buhay ko at ang ibang sekreto ko. Napadagdag pa dun na ex ko siya kaya naman wala na akong maitatago pa sa kanya. Sweet lang talaga siya sakin kasi sabi niya kahit daw di na kami e magbestfriends naman daw kami kaya wala namang dapat magbago sa pagiging sweet niya sakin. Isa pa kilala ko rin si Tim na fiance niya ngayon,isa kasi ito sa mga nakakasama ko sa bar hangouts ko nung nandoon pa ako.

Sa tagal naming nagkwentuhan ay di na namin namalayan ang oras, paglabas namin ng coffee shop ay madilim na kaya naman nagtawanan nalang kami.

"Bye for now babe! Kita nalang tayo somewhere kapag naayos ko na mga dapat kong lakarin. Alam mo naman si Tim, lagi akong minamadali nun." Nakangiting sabi niya na humawak oa sa braso ko.

"Its okay Honey, basta tawagan mo na lang ako. Alam mo pa naman ang number ko di ba?" Tanong ko naman.

"Babe talaga! Sabi nang babe na rin itawag mo sakin kesa Honey e. Hehehe!"

"Ikaw talaga, o sige na at gabi na. Baka nag alala na yung si Tim, basta ikamusta moko sa mokong na yun ha."

"Okay babe, i love you.. Bye! "

At hinalikan niya ako sa lips bago tuluyang sumakay sa kotse niya. Napa iling na lang ako at ngumiti.

"I told you not to kiss me in my lips again Honey. May nagmamay ari na nito. "

Tumawa na lang siya at kumindat.

Loko talaga ang babaeng 'to. Mamaya makita kami ng sweetie ko baka balatan pa ako ng buhay nun. Hahaha!

Wala naman sakin yun dahil sanay na kami ng ganun, wala namang epekto samin yun saka ganun naman sa states.

Kumaway na ako ng bumusina siya bago tuluyang mawala sa paningin ko ang kotse niya.




The Richman's Hidden DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon