Chapter 53

9K 303 6
                                    

Maagang nagising kinabukasan si Dale para umuwi ng condo bago pumasok. Bago pa siya makaalis ay kinausap muna siya ng Daddy niya tungkol sa nagpapadala ng bulaklak sa kanya na mag ingat. Para din daw sa safety niya. Di rin kasi nila alam kung saan at kanino nanggaling ang mga iyon. Si Dale naman ay nakangiti lang habang kausap ang daddy niya. Ang mommy niya naman ay walang pakelam na kilig na kilig pa at ayaw siyang tigilan sa kakatanong tungkol dito.

Pagkarating niya ng condo niya ay nag ayos na siya ng mga gamit niya at naligo. May usapan kasi sila ni Jessy na sabay na silang magbebreakfast kaya kailangan niyang magmadali.

Kagagaling niya lang ng cr ng narinig niya ang sunod sunod na katok sa pinto niya. Inis na inis na nagtapis siya bago nagtungo ng pinto. Tumutulo pa ang buhok niya pero di niya alintana. Alam niya kasing si Brent na naman yun. Kukulitin na naman siya para bwisitin ang umaga niya.

DALE'S POV

Bwisit na Brent to! Nakaka inis, ang aga aga niya na naman mangbulabog! Lately lagi na lang kasi akong binibwisit nito. Grrrr! Mababatukan ko talaga ang unggoy na ito.

Pagbukas ko ng pinto ay para akong binuhusan ng malamig na tubig at biglang naramdaman ang init ng mukha dahil sa hiya ng tumambad sa harapan ko si Mitch na titig na titig sakin habang nakangiti.

Gosh! Nakakahiya! Nakatapis pa man din ako at mukha pa akong basang sisiw. Pano ba naman di ko naisipang magpunas muna dahil sa irita. Akala ko kasi si Brent.

Napahawak ako ng mahigpit sa towel na tanging nagtatakip sa hubad kong katawan. Eto na naman! Para na naman akong maheheart attack. Grabe naman kasi siya makatingin.

''How dare you to look at me that way! Ano bang ginagawa mo dito! Kung makakatok ka pa parang may balak kang sirain ang pinto! Umalis ka nga dito!'' Pagtataray ko dito. Para na rin mawala ang awkwardness sa paligid.

Shit! Para naman siyang estatwa na walang naririnig at wala man lang reaction sa mga sinabi ko.

I can see the lust in her eyes while looking at me.

''Hey!!" I snaped.

"If you have no business here you should leave now. Malalate na ako.'' Akma ko nang isasara ang pinto ng bigla siyang humakbang papasok na,at halos 2inches na lang ang layo niya sakin. Ngumiti pa siya ng nakakaloko na siya namang ikinapula pa lalo ng mukha ko.

''Bat ba bigla bigla ka na lang pumapasok? You're not welome here! Ano bang ginagawa mo dito! You better leave now. Or else.."

Ngumiti naman ulit ito at inilabas lang dala dala niyang paper bag na di ko man lang napansin kanina. Dahil siguro sa inis ko kaya di ko na napansin na may dala siya.

''Napakacute mo talaga sweetie.. I'm just here to have breakfast with you.'' Simpleng sagot lang niya.

''Ha... ha??? Wh..  why??''

"Teka! Why here? With me?? Wala ka bang bahay? Bat di ka na lang kumain dun bago ka pumasok. Andun naman sina Tito ahh!'' Pagsusungit ko ulit.

Parang bingi lang naman itong lumapit pa lalo sakin at tinitigan ako habang nakangiti. Maniac na 'to, anong gagawin niya.

And then...

Bigla niya akong hinalikan ng mabilis sa lips! Smack lang yun pero para akong cancer patient na di makagalaw dahil sa panlalambot ng tuhod ko dahil sa ginawa niya.

She just kiss me without asking my permission again! And her i go, tulala na naman ako at feeling ko nilalagnat ako dahil sa nararamdaman ko.

Eto na naman ako. Di ko man lang magawang paghahampasin ang babaeng ito na paulit ulit pinagsasamantalahan ang labi ko. Para naman kasing may side sa nararamdaman ko na mas nagugustuhan ko pag ginagawa niya yun.

The Richman's Hidden DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon